Advertisers

Advertisers

NTC opisyals nahaharap sa patong patong na kaso

0 352

Advertisers

NAHAHARAP sa patong patong na kasong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act at Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018 ang mga opisyal ng National Telecommunications Commission (NTC).

Itoy makaraang sampahan ni Atty. Ava Mari Ramel sina NTC Commissioner Gamaliel Cordoba, Deputy Commissioners Deliah F. Deles, Edgardo V. Cabarios, at Director of the Legal Branch Ella Blanca B. Lopez bunsod ng pagkakaantala ng pagbibigay ng provisionary authority para makapag patuloy ng operasyon ang NOW Cable, Inc. (NOW Cable) at News and Entertainment Network Corp. (Newsnet).

Batay sa 40 pahinang complaint affidavits, pinananagot ang mga naturang opisyal ng kasong kriminal sa Office of the Ombudsman.



Naniniwala ang mga nagsampang kumpanya na dapat managot ang mga nabanggit na opisyal bunsod ng intensiyong iantala ang pag proseso ng kanilang mga permit, lisensyaat iba pang kaukulang papeles para hindi makapag operate ang nagrereklamong mga kumpanya at maiaward sa ilang pinapaborang telecommunications at media companies na isang malinaw na paglabag sa Section 3 (E) of the Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Sakaling mapatunayan, mahaharap sa anim na taong pagkakakulong at isang buwan hanggang sa labinlimang taon ang mga opisyal ng walang probation bukod pa sa habambuhay na diskwalipikasyon sa public office.