Advertisers
Patuloy na nagpapagaling sa ospital ang mag-asawa at kanilang anak nang saksakin ng nag-amok na pasahero sa loob ng bus na may rutang Estancia-Iloilo City.
Kinilala ang mga sugatan na sina Jeramil Perez, 31; live-in partner nito na si Mae Panes, 24; at anak na si Gavin Clyde, 3 anyos.
Ang salarin naman kinilalang si Rodel Ilagan, 41, residente ng Cubay, Jaro, Iloilo City.
Ayon kay kay Police Lt. Danilo Noca, hepe ng Ajuy Municipal Police Station, na nanggaling sa Estancia ang bus at ng dumating sa Sara, Iloilo, sumakay ang salarin.
Ayon kay Noca, nang nasa Morocoro, Ajuy ang bus, doon na at nag-amok si Ilagan at walang habas na nanaksak ng mga pasahero.
Kahit na sugatan, nagawa namang maagaw ng ama ang patalim kay Ilagan at tumulong rin ang ibang mga pasahero.
Ayon sa hepe, hindi kilala ng salarin ang mga biktima.