Advertisers

Advertisers

DPWH Rizal 2nd Dist. may bago ng ADE!

0 422

Advertisers

MAY bago ng kakatawan bilang Department of Public Works and Highways sa ika-dalawang Distrito ng Lalawigan ng Rizal bilang Assistant District Engineer o mas matunog sa tawag na ADE sa mga contractor.

Batiin muna natin ng Congratulation ang bagong talagang ADE Engr Chito Paz na well deserving sa kanyang bagong posisyon buhat sa pagiging hepe ng Construction division at take note madami ang natuwa sa kadahilanang super energetic sa usaping trabaho ang Mama.

Pero bago natanggap ni Engr Paz ang kanyang bagong posisyon nagkaroon muna ng medyo ka-dramahan ng bahagya mga Ka Usapang HAUZ alam niyo po ba kung bakit? Eto yun nito lamang June 8 kamakalawa eh ang huling araw sa pagiging ADE ni Engr. Frank S. Cruz na kanyang pang 65th birthday ayun sa madaling salita retarded na este retired na pala hehehehe ayon sa biro ng kanyang batch na nag salita sa ginawang pagpapaalam ng 2nd man ng dpwh Rizal 2nd dist.



Sa pagreretiro ni ADE Frank madami ang nalungkot at meron din namang natuwa sa kadahilanang hindi na daw sila mapagsasalitaan ng halos hindi makain ng Aso, maliban pa rito pabirong sinabi ng isang medyo matagal na rin sa serbisyo na pwede ng palitan ang apelyidong Cruz at gawing Nakamura hehehehehe, gud luck ADE Frank sa bago mong lalandasin.

Back to businesses tayo mga Ka Usapang HAUZ, kahit abala ang big boss ng DPWH Rizal DEO Dist. Engineer (D.E) Juliana Vergara kahit paano ay napagbigyan tayo na makakuwentuhan ng halos 2 minuto, ibinida ni D.E na halos mga patapos na ang mga proyektong sakop ng distrito 2 at tuloy tuloy ang ginagawang pagpapaganda ng mga kalsada, monitoring sa mga tulay.

Naitanong din ng Usapang Hauz kay D.E Vergara sa puwestong binakante ng bagong talagang ADE Engr Chito Paz kung sino ang hahalili ” sa ngayon ay nasa concurrent position si Engr. Paz dahil hinihintay pa namin ang rekomindasyon na magmumula sa Central Office na siya ring nagtalaga sa bagong ADE namin” yan ang pahayag ni D.E safe na safe ano po hehehehehe

Maging ang bagong ADE mga Ka Usapang HAUZ ay hindi rin natin nakausap ng matagal halos parang yung isinisigaw sa PBA pagpatapos na ang oras last two minutes, last two minutes dahil sa daming bisita at nais bumati ng Congrats Sir, eto na naman si pero, nagpahayag ng maiksi subalit malaman na mensahe ang bagong talagang ADE na hindi man niya malampasan ang nagawang malasakit at dedikasyon ni ADE Frank sa trabaho ay mapantayan ito.

May huling mensahe si ADE Chito bago tayo nito tinalikuran mukhang hindi maganda ang salitang tinalikuran sige gawin nating nagpaalam para harapin ang kanyang mga bisita at matikman ang lechong baka na regalo sa retirement ni ADE Frank mula sa contractor na si alias Arnold, ang matigas na mensahe team work ang kailangan para sa ikagaganda at ikaaayos ng trabaho igalang po natin ang isat isa.



Ups muntik ko na namang malampasan sa aking pagtatanong para sa mababakanteng pwesto ni ADE Chito Paz na Construction division chief, 90 percent ng mga tao sa nasabing opisina ay pabor na ang hahalili ay si Engr. Ma. Elena C. Fabian na siyang may kakayahang mamuno sa mababakanteng pwesto.

***

Para sa inyong Puri at Puna maaaring mag email sa cesarbarquilla2014@yahoo.com or mag Txt o tumawag sa 0935-2916036