Advertisers

Advertisers

Atty. Lopez nagsumite na ng SOCE

0 389

Advertisers

OPISYAL nang nagsumite si Atty. Alex Lopez ng Statement of Contribution and Expenditures (SOCE) sa Commission on Elections (Comelec) para ideklara ang kanyang mga nagastos nito nagdaang May 9 elections.

Inihain ng tumakbong alkalde ng Maynila ang kanyang SOCE sa araw mismo ng deadline noong Hunyo 8, 2022, na nagdedetalye sa kanyang mga nagastos sa kampanya sa loob lamang ng Lungsod ng Maynila.

Sa SOCE na isinumite ni Lopez, umaabot lamang sa P1,503,338.39 ang kanyang mga nagastos at pasok ito sa “spending limit” na nagkakahalaga ng P674-milyon, alinsunod sa Republic Act 7166 para sa mga kumandidato sa nakalipas na halalan.



Sa ilalim ng naturang batas, P10 kada rehistradong botante lang ang pwedeng gastusin ng isang kandidato.

Sa ruling ng Comelec, kailangan magpasa ng SOCE ang mga kandidato dahil kung mabibigo ang mga ito na magsumite sa takdang deadline, hindi papayagan na makapag-oathtaking ang mga nanalong kandidato.

Hindi na rin pinalawig pa ng Comelec ang deadline ng pagsusumite ng SOCE para sa mga kumandidato sa katatapos na eleksyon noong Mayo 9.