Advertisers

Advertisers

Jodi focus na sa lovelife kaya pahinga muna sa serye

0 282

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

NUNG si Angelica Panganiban ang nagbabu para sa paggawa ng project kahit andaming offer, tinanggihan lahat ito ng aktres at may mga kadahilanan naman.
Gusto na pala nitong bumuo ng sariling pamilya at gampanan ang pagiging nanay.
Iba naman ang reason ng lead actress sa The Broken Marriage Vow na si Jodi Sta. Maria kung bakit nagpahayag ito na last drama series na niya ang TBMV.
Dahil daw kasi sa drama series na ito ay itinodo at ibinuhos na niya lahat ng aktingan dito as Dra. Jill.
Kaya feeling ni Jodi ay wala na itong maibibigay pa na bago na sa mga manonood.
Ipinakita na nga raw ng aktres lahat sa huling tatlong linggo ng The Broken Marriage Vow.
Kaya pahinga muna ang aktres, personal life naman kaya ang tututukan ng aktres?
***
Diego inamin, nasa dating stage na sila ni Franki Russel
NAGHINALA ang netizens na ang ex-PBB na si Franki Russel na ang ipinalit ni Diego Loyzaga sa ex na si Barbie Imperial.
Nagkakilala sila nang lubusan nang magsama sa Ilocos at doon nga nag-viral ang kanilang larawan.
Nakita ni Diego na maraming bagay na magkasundo sila ni Franki.
Ayaw nga raw magsinungaling ni Diego kaya umamin na ito na nasa dating stage sila ni Franki.
Umamin na ang anak nina Teresa Loyzaga at Cesar Montano na true na nagde-date sila ng ex PBB housemate na si Franki.
Kailangan na raw na umamin dahil wala na naman sila ni Barbie para raw ‘di pagpiyestahan ng mga Maritess sina Diego at Franki.
Well, well, well…’Yun na!