Advertisers

Advertisers

Tagumpay sa SEAG: Phl Athletes, Obiena binati ni Sen. Go

0 234

Advertisers

BINATI ni Senator Christopher “Bong” Go si pole vaulter Ernest John “EJ” Obiena sa kanyang record-breaking na tagumpay sa men’s pole vault competition sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam noong Sabado.

“Gusto kong batiin si EJ Obiena sa pagkakamit ng gintong medalya sa men’s pole vault competition sa Hanoi SEA Games,” ani Go.

“Saludo ang buong bansa sa iyong tagumpay,” ang pagbati ni Go sa atleta.



Sa isang video message, pinasalamatan naman ni Obiena ang senador sa pagsuporta sa kanya at sa mga atletang Pilipino.

“Senator Bong Go, maraming salamat sa inyong pagsuporta sa mga atleta. Maraming salamat po. Ito ay para sa Pilipinas. Hindi ito magiging posible kung wala ka,” sabi ng national pole vaulter.

Sinabi naman ni Go na tungkulin niya bilang senador, sports advocate at Filipino na suportahan ang mga atleta sa abot ng kanyang makakaya.

“Huwag kayong magpasalamat sa amin kasi ginagawa lang namin ang aming mga trabaho. Kami ay dapat magpasalamat dahil nabigyan kami ng pagkakataong gawing sports powerhouse ng Asya ulit ang Pilipinas.”

“Salamat sa iyo at sa lahat ng mga atleta natin sa SEA Games Vietnam sa inyong mga pagsisikap na mabigyan ng karangalan ang ating bansa. Ang inyong mga panalo ay nagbibigay ng pag-asa at inspirasyon sa ating mga kababayang patuloy na nilalampasan ang pandemya at iba pang hamon sa katatagan ng ating pagka-Pilipino,” dagdag ni Go.



Pinatapos muna ni Obiena ang lahat ng kanyang katunggali na kumpletuhin ang ninanais na taas bago sinubukan ang 5.40 metro. Kailangan lang niyang gumawa ng isang hakbang para manalo ng ginto at magtakda ng bagong pole vault record sa SEA Games.

Matapos makipag-usap sa kanyang coach, muling sumubok si Obiena at na-clear niya ang 5.46m upang sirain ang sarili niyang SEA Games record na 5.45m.

Binigyang-diin ng senador ang pangangailangan ng pagkakaisa at buong suporta ng mga Pilipino, partikular sa palakasan, kung saan nakataya ang karangalan ng bansa.

Pinuri rin ng senador ang iba pang atletang Pinoy na umani ng medalya para sa bansa.