Advertisers

Advertisers

PARTISIPASYON NG MGA LOCAL OFFICIALS NTF-ELCAC NAGPAHINTO SA PAGBIGAY NG MGA POLITICIANS SA PANGINGIKIL NG CPP-NPA

0 262

Advertisers

BILANG bahagi ng National Task Force to End Local Communists Armed Conflict (NTF-ELCAC), malaking papel ang ginampanan ng mga local officials sa pagtigil ng pangingikil ng mga konunistang-terorista nitong nagdaang halalan.

Ito ang mga binitawan ni Department of the Interior and Local Government (DILG) UnderSecretary Jonathan Malaya kahapon sa regular na virtual press briefing ng NTF-ELCAC sa matagumpay na pagtigil sa pananakot na ginagawa ng mga rebelde.

Sinusugan ni Malaya ang ulat ni DILG Secretary Eduardo Año kay Pangulong Rodrigo Duterte na walang mga politiko o local government unit (LGU) officials na pumayag at bumigay sa pangingikil o ‘permit to campaign’ ng mga Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).



“Magandang report ito sa Pangulo ni Secretary Año,” sabi ni Malaya, na dinagdag pa, ang warning ni Año bago pa mag-halalan, na mananagot ang sino man na bumigay sa ‘demand’ n CPP-NPA-NDF sa paglabag ng Republic Act 10168, kilala bilang “Terrorism Financing Prevention and Suppression Act of 2012”, Section 261 ng Omnibus Election Code at Article 137 ng Revised Penal Code or the Disloyalty of Public Officers.

“But this is not just the DILG, but the entire NTF-ELCAC that vigorously reminded local officials,” paliwanag ni Malaya, dahil ang layunin ng task force ay wakasan ang pagmamalabis ng mga komunistang-terorista.

Ani ni Malaya ang pagkilos na ito ng pagsasama-sama ng lahat ay nagbunyag rin sa halos na mababang bilang ng mga ‘election-related violences’ (ERV), na 20 lamang na insidente ang naitala ngayong eleksiyon, kumpara noong 2010 elections na may 166 insidente at 133 ERV naman noong 2016 elections.

Si Philippine National Police (PNP) Officer-in-Charge, PLtGen Vicente Danao Jr., sa kabilang banda ay naghayag na naranasan ng bansa ang pinaka-payapang halalan, at ang mga politiko ay nagtanda na, upang umiwas sa pangingikil ng mga rebelde na naging dahilan ng paghina ng mga komunistang-terorista.

Si Col. Ramon Zagala, taga-pagsalita ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ay nagsabi na ang magandang komunikasyon sa bahagi ng pamahalaan sa pamamagitan ng NTF-ELCAC at mga lokal na opisyal ang nagpapababa sa bilang at lakas ng CPP-NPA-NDF lalo na sa mga lugar na dati nitong mga hawak.



Pinatunayan ito ni Davao Oriental 1st District, Congressman-elect Nelson Dayanghirang na ang sabi, sa kanyang mga nasasakupan, Wala ng nakukuhang suporta ang mga CPP-NPA-NDF.

“Because we always emphasize good governance. One goverment giving services to the people. Very unpopular na ang CPP–NPA in our province. Nagkaroon na kasi ng pagkakaisa, malaki rin ang role ng mga barangay officials,” ang sabi ni Dayanghirang na dati ring governor ng Davao Oriental bago nahalal ngayong miyembro ng House of Representative.

“Masaya ako walang nagbigay na mga politicians sa demand. Ibig sabihin palapit na nang palapit ang katapusan ng CPP-NPA-NDF,” pagtatapos ni Dayanghirang.