Advertisers

Advertisers

3 binatilyo namitas ng niyog, pinatay

0 305

Advertisers

Pinagbabaril-patay ang Tatlong binatilyo ng mga hindi pa nakikilalang kalala-kihan nang magnakaw umano ng bunga ng niyog sa isang coconut farm sa Polomolok, South Cotabato, ayon sa ulat ng pulisya nitong Linggo.

Dead-on-the-spot ang mga biktima na sina Rahman Jeorfo Sumapal, Nasser Maguisilan Diamalo at Jade Jamal Abpit, pawang residente sa Sitio Basak Polonu-ling, Tupi, South Cotabato Purok 1, Barangay Sumbakil, Polomolok, South Cotabato.

Sa report ng Polomolok Police, 6:00 ng gabi noong Miyerkules nang maganap ang krimen sa isang coconut farm sa nasabing lugar.



Naaktuhan ng mga armadong lalaki ang mga binatilyo na may bitbit ng mga sako na naglalaman ng niyog na kanilang pinagpipitas.

Dito, pinagbabaril ang mga biktima na tina­maan sa iba’t ibang parte ng katawan na naging sanhi ng agaran nilang kamatayan.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang mga salarin.