Advertisers

Advertisers

Sey ng komedyanang si Mosang…Vaness de Moral may itinatagong kamalditahan

0 207

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

NOONG una ay ayaw magpabakuna ng aktres na si Mickey Ferriols.
“Kasi anti-vaxxer ako to begin with, I was an maanti-vaxxer. Then naririnig ko yung mga stories ni Attorney Angie, ‘Naku after magkasakit, magpapabakuna ka!’
“My gosh magugulat kayo yung mga pasa ni Attorney.”
Ipinakita sa pelikulang DOK ang hirap na pinagdaanan ni Attorney Angie noong ito ay magkaroon din ng COVID.
Ang DOK ay produced ng Donya Productions ni Attorney Angie o Atty. Maria Angelica de Ramos na siya ring direktora ng pelikula sa kanyang unang venture into film directing and producing. Ito ay base sa mga tunay na pangyayari sa buhay ni Atty. Angie na ginampanan ni Mickey at ng kanyang anak na doktor na ginampanan naman ni Enzo Pineda.
Kuwento pa ni Mickey noong panahon na hindi siya naniniwala sa bakuna.
“Kasi parang iniiisip ko before na ang bilis ma-develop baka hindi naman masyadong potent yan, baka kung ano lang.
“So I believe siguro yung sinabi ni Attorney sa akin na nasa sixty percent, pero iniisip ko baka puwedeng i-delay ko pa.
“Pero nung nagka-Omicron ako parang, Oh my gosh, it is real, it is here!
“So sabi ko, yeah I think it’s best to protect myself and my son by getting vaccinated.
“Now I’m fully vaxxed, I wil have my booster in May, next month.”
January of this year ay tinamaan si Mickey ng COVID-19; dahilan upang magdesisyon siya na magpabakuna na.
“Brain fog, tapos masakit yung ulo tapos fever, pero thankfully, ano lang ako, three days lang akong may sakit.
“So binantayan ko lang ng paracetamol round-the-clock tapos sponge bath, after three days thank God gumaling naman.”
May mensahe si Mickey sa mga hindi pa rin naniniwala sa bakuna laban sa COVID.
“Hay naku guys, you know I think it is our civil duty, it is our responsibility and duty as citizens of this world to get vaccinated. Proteksyon mo na yan sa sarili mo at proteksyon na rin ng iba para sa kanila.
“So nagpoprotektahan tayo! So get out and get vaccinated talaga!”
Tampok din sa pelikula sina LM Mercado, Sawera Akhtar, Aryan Akhtar, Potchi Angeles, Nics Orense, Carl Acosta, Johnessa Belen, Sylvia Manansala, Charles Anoyo, Christian Villanueva, Celine Castillo, Rey Mark Claret, Jake Piedad, Kyle Almenanza, Monica Bianca, Sheryl Surara, Shobee de Vera, Jigzer Narag, Lanze Galope at Rob Sy.
Introducing naman sa pelikula si Maria de Ramos at may special appearance si Dr. Anthony Philip Villalon.
Palabas na ang DOK sa mga sinehan simula noong April 6.
***
INIHAYAG ni Mosang na kung may nakatrabaho man siyang artista na may itinatagong “kamalditahan,” ito ay walang iba kundi si Vaness del Moral na sobrang love niya.
“Si Vaness del Moral, bakit?” natatawang sagot ni Mosang nang tanungin sa programang “Mars Pa More” tungkol sa katrabahong may “inner kamalditahan.”
Magkatrabaho ngayon sina Mosang at Vaness sa Kapuso murder-mystery drama series na “Widows’ Web.”
Ipinaliwanag ni Mosang kung ano ang “kamalditahan” ni Vaness na ikinatutuwa niya.
“Si Vaness, I really love her. Kasi lagi kaming magkasama. Siya pala ‘yung klase ng babae na nakikita ko na very outspoken. Sasabihin niya talaga ang gusto niya, at tawang-tawa ako sa kanya,” ani Mosang.
Inayunan naman ng “Mars” hosts na sina Camille Prats at Iya Villania ang pahayag ni Mosang tungkol sa pagiging prangka ni Vaness sa mga sinasabi.
“Pero minsan nasasabunutan ko, ‘Ikaw talaga ‘yung bunganga mo!’ ‘yung gano’n. We’re very used to each other,” dagdag pa ni Mosang tungkol kay Vaness.
Ayon kay Mosang, alam din ni Vaness sa sarili ang tungkol sa kanyang pagiging prangka.
“‘Yung kamalditahan niya talaga, aliw na aliw ako. Alam naman niya, ‘Ay Ate Mong, sobra ba ‘yung nasabi ko? Ay hindi! Gusto ko talagang sabihin ‘yung sasabihin ko!” sabi raw sa kanya ni Vaness.
Gumaganap si Mosang bilang si Delia Mendoza, ang istriktong headservant ng mga Sagrado.
***
KAPUSO actress Thea Tolentino is one step closer to fulfilling her dream of earning a college degree.
For those who didn’t know, Thea was juggling her showbiz career and finishing her studies in the Trinity University of Asia from 2016 to 2020.
At that time, the Sparkle star was busy with her GMA Afternoon Prime shows Asawa Ko, Karibal Ko and Haplos.
And after some delay, Thea Loise Tolentino is finally set to march on her graduation on June 25, 2022 with a degree in Business Administration major in Public Administration.
Another milestone for the talented Kapuso actress this year is she will star in the upcoming romcom movie Take Me To Banaue by Carpe Diem Pictures, an independent movie production based in the US. In addition, Thea is also part of the star-studded cast of the adventure series Lolong featuring Kapuso leading man Ruru Madrid.