Advertisers

Advertisers

Isabelle nagtapat, dumaan sa matinding depresyon

0 195

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

SA vlog ni Wil Dasovich na “Superhuman”, naging panauhin niya ang aktres at super mom na si Isabelle Daza.
Sa nabanggit na episode, napag-usapan nila ang struggles ni Isabelle nang mag-asawa na ito at magkaanak.
Aminado si Isabelle na nahirapan siyang mag-adapt sa buhay niya from single to married.
Naisip daw niya noon na may limitasyon na rin siya pagdating sa mga puwede niyang gawin.
Kumbaga, nagkaroon ng 360 degree turn ang kanyang buhay.
Noong ipinagbubuntis daw niya at ipinanganak ang panganay niyang si Baltie, feeling daw niya ay chakang-chaka siya.
Katunayan, nag-gain daw siya noon ng 70 lbs. after makapanganak.
Dahil daw sa kanyang sitwasyon, dumaan siya sa matinding depresyon.
Gayunpaman, sa tulong daw at suporta ng kanyang mister na si Adrien Semblat na isang French businessman, na-manage raw niya na mapaglabanan ang kanyang depresyon.
Sa ngayon, she’s almost back on track after her successful weight loss.
Si Isabelle at ang kanyang kapatid na si Ava ay meron na ring podcast na may titulong “The Sexy Time Podcast” na tina-tackle nila ang tema ng sexual health.
Noong Abril ng nakaraang taon, ipinanganak din niya ang second baby nila ni Adrien na si Valentin.
Speaking of Isabelle, ang pamilya niya ang isa sa mga nanalo sa episode ng bagong game show ng GMA-7 na “Family Feud” kamakailan na iniho-host ni Dingdong Dantes.