Advertisers

Advertisers

Padyak boy pinatay sa harap ng misis at anak

0 319

Advertisers

Dead on arrival sa Navotas City Hospital ang isang pedicb driver nang pagtulungng bugbugin at pagsasaksakin sa harap ng kinakasama at dalawang anak nito sa Navotas City Biyernes ng gabi.

Kinilala ni Navotas Chief of Police Col. Dexter Ollaging ang biktimang si Gaylord Libre, 31, ng 71 Goldrock St., Brgy. San Roque

Ayon sa ulat, 10:30 ng gabi, ipinaparada ng biktima ang kanyang pedicab sa kahabaan ng Wawa St., Brgy. Tangos South, kasama ang kanyang live-in partner na si Joan Silvestre, 37 at kanilang dalawang anak nang lapitan ng mga salarin na kinilala sa “Jeff Jeff dela Cruz” at “Lorenzo Dela Cruz”.



Bigla na.lamang umanong pinaghahampas ni Jeff Jeff ang biktima gamit ang isang golf bat na sinundan naman ni Lorenzo at pinagsaksak ng ilang beses sa katawan si Libre.

Mabilis namang tumakas ang mga salarin habang isinugod naman ang biktima sa nasabing pagamutan subali’t hindi na ito umabot ng buhay.

Iniutos na ni Col. Ollaging ang manhunt operation laban sa mga salarin habang inaalam pa ang motibo sa pagpatay.(Beth Samson)