Advertisers
IPINATIKIM ng NorthPort sa Magnolia ang kanilang unang talo 103-101 sa nagpapatuloy na PBA Governor’s Cup sa Ynares Stadium sa Antipolo.
Bumida sa panalo ng NorthPort si Jamel Artis na nagtala ng 42 points habang mayroong 19 points si Jamie Malonzo at 14 points ang nagawa ni Arwind Santos.
Ito na ang pangalawang sunod na panalo ng Batang Pier na mayroon ng dalawang panalo at limang talo.
Bagamat kahit na kulang ang manlalaro ng North Port ay pinilit pa rin nilang makipagsabayan sa Magnolia.
May tsansa pa sana ang Hotshots na maipanalo ang laro subalit nabigong maipasok ni Paul Lee ang three-point shots hanggang tuluyang maubos ang oras.
Naglalaro kasi sa Gilas Pilpinas ang point guard nila na si Robert Bolick habang injured naman si Kevin Ferrer.
Ikinatuwa naman ni NorthPort coach Pido Jarencio ang panalo nila .