Advertisers

Advertisers

LeBron at Bronny!

0 429

Advertisers

PANGARAP ni LeBron James na bago magretiro ay nakasama niya ang anak na si Bronny sa NBA.

Kung bale dalawang taon pa bago maging eligible si James Jr sa Rookie Draft ay ibig sabihin na lalaro pa si King James hanggang 2024-25 para mag-abot sila ng anak.Oo, minimum na one season daw silang magkakampi.

Hindi raw ito tungkol sa pera. Lilipat si James kung saang koponan mapunta ang Junior niya. Basta yun ang gusto maganap ng may suot na jersey numero sais para sa Lakers.



Sinasabing #34 na prospect si LeBron Raymone James Jr sa Class of 2024. Point guard na 6’3 ang panganay ng tinatawag ng marami na The GOAT.

Kakaiba nga naman mapanood ang isang father and son tandem.

Kung dream palang ng 4-time NBA champ ay nagawa na yan ni Robert Jaworski sa PBA.

Naging team mate ng Ginebra playing coach ang kanyang dayunyor na si Dudot.

Ilang taon din silang magkasama sa GinKings bago nilisan ni Big J ang pro league.



Pero hindi natin matandaan na naglaro sila ng sabay sa hardcourt.

***

Kung totoo ang political survey na mahigit 30 na puntos ang lamang ng leading candidate sa mga kalaban ay tiyak na panalo nito sa Mayo ayon sa ilang analyst.

Nguni’t eka naman ng mga katunggali ay matagal pa raw ang halalan at marami pang pwede mabago

Kung sa boksing daw ay nasa mga first rounds pa lamang. Posible raw maka lucky punch ang behind at mapabagsak pa ang opponent. KO win pa kamo.

Sa basketball naman daw ay unang quarter pa lang yan at kaya pang habulin. Ilang game nga naman nasaksihan natin na tambak sa first half pero nakabawi as second half at nagwagi pa.Ganyan daw kasi bilog ang bola. Tama nga naman.

Sigurado na ang muling pagbubukas ng UAAP at NCAA sa susunod na mga buwan. Nasa bubble practice na ang karamihan ng mga squad ng mga eskwelahan.