Advertisers

Advertisers

Rayver nilinaw, walang 3rd party sa hiwalayan kay Janine

0 193

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

SA panayam ni Nelson Canlas kay Rayver Cruz para sa 24  Oras, sinabi ng aktor na naka-move on na siya sa hiwalayan nila ni Janine Gutierrez.

Sabi ni Rayver, ‘Okay na ako, e. Naka-move on na ako. 2022 na, e. Masasabi ko na nakaka-move on na ako. I’m happy.



“‘Pag nagmahal ka, hindi naman… dapat marunong ka rin tumanggap ng sakit sa mga circumstances na puwedeng mangyari.”

Nilinaw naman ni Rayver na walang third party involved sa break-up nila ni Janine.

“Kinaklaro ko po, there was no third party involved, especially on my end,” diin ni Rayver

Matatandaan noong December 2021, nausisa si Janine sa It’s Showtime kung ipinagpalit ba siya ni Rayver sa ibang babae. Sagot ng aktres ay “wala namang ganern.”

So, kung ganyan ang sagot ni Janine, ibig sabihin, hindi totoo ang lumalabas na balita na si Julie Anne San Jose ang dahilan kaya nagkanya-kanya na sila ng landas ni Rayver, ‘di ba? Si Julie Anne nga kasi ang sinasasabi na third party.



Pero meron din naman na nagsasabi na si Paulo Avelino ang dahilan sa parte naman ni Janine. Mula nang magkasama raw kasi ang dalawa sa seryeng Marry Me, Merry You, sinasabing nagkamabutihan sila.

So wala rin itong katototohanan since sinabi nga ni  Rayver na walang third party sa break-up nila ng dalaga ni Lotlot de Leon.

***

SA kanyang Instagram account, ibinahagi ni Jolina Magdangal na inaatake siya matinding depression/anxiety. Pero hindi niya sinabi sa mister na si Mark Escueta ang nararamdaman dahil sa pag-aakalang mawawala rin ito.

Sabi ni Jolens sa caption ng kanyang IG post, “For the past weeks, on and off ang worries and anxiety na nararamdaman ko.

“Hindi ko ito sinasabi kay Mark kasi naisip ko baka lilipas din. Minsan pinagdadasal ko na ‘wag na ako makaramdam ng negative at ‘wag ko na intindihin ang ibang tao na wala naman din pakialam sa feelings ko.”

At dahil nga sa nararamdamang anxiety, hindi niya minsan makontrol ang kanyang emosyon kaya may mga pagkakataon na nasusungitan niya ang mga anak at si Mark.

“Dahil sa mga worries na ‘yun may mga times na nasusungitan ko ang mga bata at si Mark, minsan wala ako naiisip na bonding namin.

“Minsan pakiramdam ko, balewala lahat ng efforts ko para magawa lahat ng dapat gawin ng isang nanay sa isang buong araw.

“Minsan humaharap ako sa salamin at sinasabihan ko sarili ko ng ‘huy! Ano ka ba! Umayos ka! Marami ka pang gagawin today at kailangan mo pa asikasuhin pamilya mo,’” aniya pa.

Noong nakaraang Valentine’s Day, may natanggap na surprise si Jolina mula kay Mark na napakalaking tulong para mawala ang kanyang mga pangamba. Sa surprise na ‘yun ni Mark, pakiramdam ni Jolina ay hindi  ‘yun araw ng mga puso kundi Mother’s Day at kaarawan niya.

At ayon sa kanya, napahagulgol siya ng mga sandaling ‘yun.

“MOMSH!!! ibang klase talaga si Papa Jesus magbigay ng kasagutan ‘pag malalim na ang nararamdaman natin. Pinaalala N’ya sa ‘kin na mas madami pa rin akong dapat ipagpasalamat sa buhay ko na makakatalo sa worries ko.”