Advertisers

Advertisers

Pulis ‘adik’ sa online sabong, nanloob ng hardware

0 241

Advertisers

Naaresto ang isang bagitong pulis nang tangkain nitong pagnakawan ang isang commercial establishment sa Gloria, Oriental Minddoro nitong Biyernes ng gabi.

Nasa kustodiya na ng Gloria Municipal Police ang suspek na si Corporal Leonell Maranan, 31, taga-Sta. Cruz, Calapan, Oriental Mindoro at nakatalaga sa Technical Support Company, Regional Mobile Force Battalion Region-4B.

Sinabi ni Police Regional Office MIMAROPA (Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan) chief, Brigadier General Sidney Hernia, inaresto si Maranan ng dalawang barangay tanod nang tangkain nitong pagnakawan ang ABC3 Hardware na pag-aari ni Allan Mantaring, 60.



Nasamsam sa lugar ang mga plies, screwdrivers at martilyo na pinaniniwalaang ginamit ni Maranan sa tangkang pagnanakaw.

Bukod dito, nakumpiska rin ng pulisya ang service firearm nito na isang Beretta cal. 9mm na may magazine, mga bala at isang kopya ng certificate of authority ng baril na ibinigay ng Commission on Elections.

Paliwanag naman ni municipal police commander Maj. Edwin Villarba, nalulong umano sa online “sabong” o “talpak” si Maranan at malaking pera na ang natalo sa kanya.