Advertisers
NAGKULAY pula ang buong kalakhang Maynila nang umarangkada ang Bongbong Marcos motorcade nitong February 20 ng hapon.
Sinuyod ni Marcos Jr., ang ilang bahagi ng Maynila, kasama ang ilang senatorial candidates ng UniTeam.
Mainit na sinalubong ang UniTeam sa naturang lugar at hindi mahulugang karayom ang mga Manilenyo na gustong masilayan at makamayan si BBM.
Naging punong abala ang kampo ni Manila mayoralty bet Atty. Alex Lopez at Vice Mayor Raymond Bagatsing na nasa ilalim ng BBM-Sara UniTeam sa naging preparasyon ng nasabing ‘presidential sortie’ upang maging maayos at matagumpay ito.
Hindi nagkulang ng mga paalala si Atty. Lopez sa mga sumama sa sortie na sundin ang ‘health protocols’ ng Covid-19 tulad ng ssocial distancing, pagsusuot ng face mask at paggamit ng alcohol.
Ayon kay Atty. Lopez, pula ang kulay ng dugo ng bawat Manilenyo kaya sumama at nakiisa ang mga ito para salubugin ang tunay na pagbabago para sa lahat ng Pilipino.
Samantala, kumpiyansa naman ang BBM-Sara UniTeam na solusyon ang pagkakaisa para maisalba ang lumalalang kahirapan sa bansa.
Nais ni BBM at Sara na sa halip na magsiraan at mag-away-away, mas magandang magsama-sama ang lahat para labanan ang kahirapan.
At kung sakaling mapagtagumpayan ang darating na halalan at bigyan ng pagkakataon na maging presidente, tinitiyak ni Marcos na wawakasan nito ang paghiwa-hiwalay at paghahati-hati dahil sa pulitika.
Taliwas kasi ito sa tunay na ugali ng Pilipino na mababait, magagalang at matulungin.