Advertisers

Advertisers

Mag-asawang NPA, patay sa sagupaan

0 428

Advertisers

Napatay ang isang mag-asawang kaanib ng New People’s Army (NPA) nang makasagupa ng grupo nito ang militar sa Barangay Odiongan, Gingoog City, Misamis Oriental nitong Biyernes, Pebrero 18.

Kinilala ang mga nasawi na sina Jelan Pinakilid, alyas Baking/Matrix, secretary ng NPA; at Darling Pinakilid, medic ng Squad 3, North Central Mindanao Regional Committee ng NPA.

Sa pahayag ni 402nd Infantry Brigade commander, Brig. Gen Adonis Ariel Orio ng Philippine Army, nagsasagawa ng intelligence operation ang mga sundalo sa Barangay Odiongan nang bigla umano silang paputukan ng mga rebeldeng nagpapatupad ng “Permit to Campaign” at “Permit to Win” sa mga kandidato sa halalan.



Matapos ang engkuwentro, iniwan ng grupo ng mga rebelde ang bangkay ng mag-asawa.

Naiulat na kabilang si Pinakilid sa most wanted dahil kilalang kaanib ng kilusan at may kinakaharap na patung-patong na kaso, katulad ng murder, frustrated murder, at rebelyon.