Advertisers

Advertisers

Lalaki ‘di binigyan ng pagkain, nanunog ng bahay

0 365

Advertisers

Sinunog ng isang lalaki na naburyong sa kanyang bayaw nang pagdamutan ito ng pagkain nitong Biyernes sa Cebu city.

Kinilala ang nadakip na si Ryan Gardaban, nasa hustong gulang at taga Sitio Cabancalan 2, Barangay Bulacao, Inayawan, Cebu City.

Ayon kay FO3 Fulbert Navarro, ng Bureau of Fire Protection-Inayawan Police Station, 7:11 ng gabi nagsimula ng sunog sa silid ng bahay na kapatid ng suspek na si Jacqueline Flores.



Lumabas sa imbestigasyon, nakita ang suspek na lumabas sa kuwarto ng kanyang Ate at ilang minuto ang nakalipas bigla na lamang itong nagliyab.

Mabilis naman nakahingi ng tulong ang mga residente sa BFP at nagtulung-tulong na apulahin ang apoy.

Agad naman nadakip ang suspek ng mga rumespondeng pulis at sinabing nag-iwan siya ng nakasinding sigarilyo sa mga nakatambak na gamit sa loob ng kuwarto.

Giit pa ng suspek nagalit siya sa kanyang bayaw dahil pinagdadamutan siya nito ng pagkain kaya naisip niyang sunugin ang bahay.

Umabot naman sa halagang P9,000.00 ang danyos na tinupok ng apoy.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">