Advertisers

Advertisers

Doktora may kasong kidnapping at serious illegal detention, arestado!

0 240

Advertisers

Inaresto ang isang doktora na human rights activist at dating Secretary General ng Karapatan-Caraga nitong Biyernes sa San Juan, Metro Manila.

Kinilala ang hinuli na si Dr. Natividad Marian Castro.

Sabi ng kapatid ni Castro na si Menchie Castro, kinuha ang human rights advocate mula sa kanyang bahay sa San Juan City 9:30 ng umaga dahil sa kasong kidnapping at serious illegal detention sa Caraga.



Inaresto si Castro sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court Branch 7 sa Bayugan City, Agusan del Sur.

Kilala si Castro bilang human rights advocate at health worker sa Mindanao kung saan tumulong siya sa pagbuo ng community health centers at nagtuturo tungkol sa mga karapatang pantao.

Tumutulong din si Castro sa mga biktima ng human rights violation sa Caraga.
Dinala ang doktora sa Butuan City Biyerrnes ng hapon dahil doon naka-file ang kanyang kaso.

Nanawagan ng hustisya ang kanyang pamilya habang kinokondena naman ng Karapatan ang pagkakaaresto kay Castro dahil ipinroseso umano siya na hindi man lang nakakausap ng kanyang abogado at pamilya.

Panawagan ng human rights group na Karapatan, ibasura ang mga anila’y gawa-gawang kaso at palayain si Castro.



Nilinaw naman ng PNP na walang koneksyon sa akusasyon ng pagiging komunista ang pag-aresto kay Castro.

“After proper documentation and booking procedure upon her arrest in San Juan City on Friday morning, she was immediately flown to Bayugan City, Agusan del Sur where she is presently detained,” pahayag ni PNP-PIO chief Police Brig. Gen. Roderick Alba.

“As a Person Under Police Custody (PUPC), and upon her request, she was provided with Hygiene Kit, clothes and toiletries, while the local office of the Commission on Human Rights [has] been duly informed of her present status,” dagdag pa ni Alba.
Haharap si Castro sa nasabing korte para sa pagdinig ng kanyang kaso.

Samantala, inihayag ng Commission on Human Rights (CHR) na iniimbestigahan na nito ang mga posibleng paglabag ng PNP sa pag-aresto kay Castro.

Sinabi ng CHR na nakikipag-ugnayan ito sa mga lokal na awtoridad at malapit na makipag-ugnayan sa pamilya ni Castro para tulungan sila.

Nagpahayag din ang Komisyon ng matinding pag-aalala sa paraan ng pag-aresto sa kanya.

Iginiit ng CHR na na-red tag si Castro dahil sa kanyang trabaho bilang isang human rights at development worker.