Advertisers
Ni BETH GELENA
HINDI kaya aware si Bea Alonzo sa pinost niyang photo na naka-black swimsuit.
Akmang-akma para sa summer month ang sizzling hot photo ng aktres.
Kuha ang nasabing awimsuit photo ni Bea sa El Nido, Palawan na ang boyfriend na si Dominic Roque ang nagsilbing photographer niya.
“Hat game strong,” caption ni Bea.
Kaya lang may napansin kami sa photo ng aktres.
Out of curiosity ini-large ng inyong lingkod ang swimsuit photo.
Mukhang hindi naayos ng aktres ang swimsuit sa upper body niya.
If I am not mistaken hindi yata nasakop mabuti ng cup swimsuit ang bust part ng aktres.
Para kasing naipit ang parteng ibaba ng boobs ng Kapuso aktres na ang pangit tingnan.
***
ANG lakas ng impact sa Megastar Sharon Cuneta nang magpahayag ang international singer na si Cher ng suporta sa Women empowerment.
Napansin kasi ng pop icon ang larawan ni Bise Presidente Leni Robredo na very supportive sa mga kababaihan.
“Let women do it,” saad ni Cher sa kanyang Twitter account.
Marami tuloy ang nag-aakalang ini-endorso ng icon singer si VP Leni sa Presidential candidacy nito.
Nang mabasa ng Megastar ang tweet ni Cher ay sobrang kinilig ito at lumabas ang pagka-fan girling.
Naki-reply si Shawie sa mga komento ng netizens para kay Cher.
Ani Sharon: “From the one and only [Cher]! We love you so much! Thank you!”
Kinuha na rin ng singer-actress ang pagkakataon na mapakilala sa kanyang tweet ang asawang si Senator Kiko Pangilinan na binanggit niyang running mate ni VP Leni Robredo.
“Thank you, @cher!!! My husband is running as Leni’s Vice-President and they are a wonderful, honest, God-fearing, knowledgable team! We love you!” sabi ng Megastar na may pa-hashtag na “#WomenPower”.
Nagkomento naman ang anak niyang si Frankie sa tweet ng ina.
“Hala ang rupok,” sey ni Frankie.
May mga naaliw sa komento ni Frankie para kay Sharon.
“Kakie = #1 supporter, also Kakie = #1 basher,” saad ni @attaphile.
Sey naman ni @nashnacion, “As a Sharonian, di kita ire-report at anak ka niya.”
“Aawayin sana kita ikaw pala yan, Kakie,” hirit naman ng isang Sharonian.
Wala pang reaksyon ang American icon singer sa tweet ng Megastar.
***
ZAIJIAN ‘DI BAGAY SA ROLE NA DING SA DARNA SERIES
MAY mga nagtatanong, bakit daw kay Zaijian Jaranill binigay ang role ni Ding sa Darna series na pagbibidahan ni Jane de Leon.
Bakit daw hindi kumuha ang ABS-CBN na mas bata sa edad ni Zaijian.
Hindi raw bagay na isang matangkad na young aktor ang gaganap na Ding sa Pinay heroine series.
Lahat daw kasi na Ding na gumanap bilang sidekick ni Darna ay pawang child actor, teenager na raw si Zaijian.
Mawawala na raw yung isa sa pinaka-highlight scene ay ang pagsabi ni Narda ng ‘Ding ang bato’ saka may batang tatakbo para ibigay ang bato at saka sisigaw si Narda ng DARNA saka pa lang magta-transform si Jane.
Masyado raw kasing matangkad si Zaijian bilang si Ding.
Well, siguro may mas mahalagang role si Ding kaya teenager na ang kanilang nilagay rito.
Millennial daw kasi ang concept ng Darna series dahil very modern na ang technology ngayon.
Anyway, nag post na ng behind-the-scenes photos ang JRB Creative Production ng mga nasa cast ng Darna — Jane de Leon, Janella Salvador, Zaijan Jaranilla, Rio Locsin, at Joj Agpangan.
Si Janella ang human alter ego ni Valentina bilang si Regina na isang abogada.
Vlogger naman ang role ni Zaijian bilang si Ding kasama ang sister na si Narda bilang isang estudyante (Jane).
Nasa photo rin si Joshua Garcia as Brian at Rio Locsin as Roberta.
Si direk Chito S. Roño na ang direktor ng nasabing Darna TV series along with Avel Sunpongco.
Nag-uumpisa nang mag-taping ang buong cast ng Darna sa ABS-CBN’s sound stages na nasa San Jose del Monte, Bulacan.
Ayon sa mga netizen, sana raw ay masaksihan na nila ang paglipad ni Darna ngayong taon.