Advertisers

Advertisers

4 Patay sa sunog sa Sta. cruz, Manila

0 458

Advertisers

Nasawi ang apat na indibidwal nang masunog ang residential area sa Sta. Cruz Maynila umaga ng Linggo.

Ayon sa ulat ng MPD-Alvarez PCP, kinilala ang mga biktima na sina Denise Cadag,15; buntis na si Rina Mae Hernandez, 21; isang alyas John Kazim, naasa hustong gulang; at Jasmine Usman, 57.

Sugatan din ang asawa ni Hernandez na si SG Jimmy Canillas na isinugod sa Jose Reyes Hospital.



Sa ulat, nangyari ang sunog sa M.Natividad st. malapit sa kanto ng Mayhaligue St at Remigio St. 9:45 ng umaga.

Idineklara namang fire out ganap na 10:26 ng umaga na umabot na sa ikalawang alarma.

Inalaam pa ang sanhi ng sunog at kabuuang halaga ng naging pinsala.

Gayundin kung ilang pamilya o kabahayahan ang apektado sa sunog.(Jocelyn Domenden)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">