Advertisers

Advertisers

2 patay sa ‘Warrant of Arrest’

0 287

Advertisers

Dalawa ang patay sa pagpapatupad ng warrant of arrest sa boundary ng barangay Gli-Gli at barangay Macabual, Pikit, Cotabato. Sabado ng umaga Pebrero 19.

Kinilala ni PMajor Maxim Valdez Peralta ang hepe ng Pikit Mps ang napatay na target na si Musim Manebpal Dalanda, alias “Takuwad”, 34, may asawa, jobless, at residente ng nasabing lugar.

Habang ang namatay sa panig ng operating team kinilalang si Erwin Besana Doctolero, 42, may asawa, action agent at may-ari welding shop na residente ng barangay Presbitero, Pigkawayan, Cotabato.



Ayon sa ulat, ipanatupad ng pinagsanib pwersa ng Joint Task Force mula sa PRO12 at 90IB, 602nd brigade Phil. Army sa pangunguna ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA ang warrant of arrest with criminal case No. 20-352 dahil sa paglabag sa section 5, Article 2 of RA 9165. Issued by Honorable Lily Lydia Laquindanom. Executive Judge RTC Branch 24.

Nakuha mula sa possesion ng suspect ang isang unit ng 5.56MM M16 Colt AR15 rifle at isang magazine loaded 22 live ammunition.

Makaraang ma neutral ang target ay nagsagawa ang provincial forensic unit ng Kidapawan city ng post morten finger print examination and paraffin examination sa suspect para sa posibleng gunpowder residue.

Agad kinuha ng mga kaanak ng biktima ang bangkay at binigyan ng dissenting libing.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">