Advertisers

Advertisers

Tuloy ang imbestigasyon

0 1,509

Advertisers

SINUSPINDE ang formal investigation ng International Criminal Court (ICC) sa sakdal na crimes against humanity na iniharap noon 2017 ng kampo ni Sonny Trillanes at Gary Alejano laban kay Rodrigo Duterte. Hiningi ng gobyerno ni Duterte noong ika-10 ng Nobyembre, 2021 ang suspensiyon dahil sa imbestigasyon ng Department of Justice sa 52 kaso ng extrajudicial killings (EJKs). Walang malinaw na kinahitnan ang pagsisiyasat ng DoJ.

Kahit agarang nagpaunlak si Karim Khan, hepe ng ICC Office of the Prosecutor (ICC-OTP), sa kahilingan ng iniharap ni Jonathan Malaya, sugo ng Filipinas sa Netherlands, at hindi nilinaw ni Khan kung hanggang kailan ang itatagal ng suspensyon, tuloy-tuloy ang sariling imbestigasyon panloob ng ICC, ayon kay Khan, sa mga ebidensiya na isinumite na mga may kinalaman sa malawakang patayan kaugnay sa madugo ngunit bigong digmaan kontra droga ni Duterte.

Sa maikli, hindi nangangahulugan ng pagtatapos ng imbestigasyon ang suspensyon. Habang papainit ang kampanya sa halalang pampanguluhan sa Mayo at idineklara ni Duterte na wala siyang kandidato, malinaw na kumikilos ang sakdal laban kay Duterte at mga kasapakat.



Samantala, umabot sa 63 ang mga magkakahiwalay na information na isinumite ng iba’t-ibang grupo sa ICC. Kinakatawan ng bawat information ang mga detalye ng sakdal laban kay Duterte at mga kasapakat. Kasama ang mga ebidensiya sa bawat information at testimonyo ng mga kaanak ng mga biktima ng EJKs ni Duterte.

Si Duterte ang pangunahing isinakdal. Mahigit 20 ang kasama ni Duterte sa sakdal. Kasama si Christopher Go, Ronald dela Rosa, Richard Gordon, Alan Peter Cayetano, Jose Calida, Oscar Albayalde, Jose Napoleon Coronel, Royina Garma, Guillermo Eleazar, Roberto Fajardo, Tomas Apolinario, Romeo Sapitula, at Camilo Cascolan.

Kasama sina: Nesto Quinsay, Ramon Apolinario, Archie Gamboa, Fernando, Mendez, Jose Ma. Victor Ramos, Vicente Danao Jr., Michael John Dubrea, Filmore Escobar, Alden Delvo, Edilberto Leonardo, at Marvin Marcos.

Ayon sa informant ng kolum na ito, may batayan na maaaring ituloy ng ICC ang nasuspindeng pagsisiyasat sa susunod na linggo dahil lumampas na sa 90 araw o tatlong buwan ang suspensyon. Hindi sistema sa mga bansa sa Europa ang matagal na suspensyon. Hindi ito maihahalintulad sa Filipinas, anila.

Hiningi at idinahilan ni Malaya na kailangan matapos ang ulat ng DoJl sa 52 kaso ng EJKs na isusumite umano ng gobyerno ni Duterte sa ICC bilang bahagi ng ebidensiya ni Duterte sa formal investigation. Pinagbigyan ang hiling ni Malaya at, sa tingin ni Khan, isa itong pagkilala sa awtoridad ng ICC na magsiyasat.



Binigyan daan ni Khan ang kahilingan ni Malaya. Sa kanyang liham sa Pre-Trial Chamber ng ICC noong ika-18 ng Nobyembre ng nakaraang taon, sinabi ni Khan na kailangan ipagpaliban ang formal investigation dahil kailangan ang ulat ng DoJ bilang pagsunod sa mga alituntunin ng ICC sa formal investigation. Kinakatawan umano ng ulat ng DoJ ang ebidensya ng gobyerno ni Duterte. Bahagi ito ng due process, anila.

Sa kanyang liham sa Pre Trial Chamber na binubuo nina Presiding Judge Péter Kovács, Judge Reine Adélaïde Sophie Alapini-Gansou, at Judge María del Socorro Flores Liera, ipinahiwatig ni Khan na hindi tatagal ang suspensyon ng formal investigation. Ani Khan: “The Prosecution will, however,continue its analysis of information already in its possession, as well as of any new information it may receive from third parties, and actively assess the need for applications to the Pre-Trial Chamber for authority to conduct necessary investigative steps for the preservation of evidence under article 18(6) of the [Rome] Statute.”

Nagdesisyon noong ika-22 ng Septiyembre, 2021 ang Pre-Trial Chamber ng ICC na bigyan ng daan ang mungkahi ni Fatou Bensouda, nagretirong Punong Taga-usig ng ICC, na magkaroon ng formal investigation sa kaso ni Duterte. Sinabi ni Bensouda sa kanyang ulat noong ika-14 ng Hunyo ng nakaraang taon, o isang araw bago nagretiro, na may sapat na dahilan upang usigin si Duterte sa kanyang madugo ngunit nabigong digmaan kontra droga.

Pinangambahan ni Duterte at mga sangkot sa war on drug ni Duterte ang formal investigation dahil may poder ang ICC na mag-isyu ng arrest warrant sa kanila. Isa itong bagay na ayaw nilang mangyari dahil maaaring isuko sila sa ICC ng papalit na pangulo na bansa kapag siya ay nakapanumpa sa katapusan ng Hunyo.

Naunang isinampa ni Trillanes at Alejano, sa pamamagitan ng namayapang manananggol na si Jude Josue Sabio, ang habla na crimes against humanity laban kay Duterte noong ika-17 ng Abril, 2017. Sila ang dalawang mambabatas na naunang nagsakdal kay Duterte sa ICC. Mahigit isang taon, sumama ang mga ibang puwersang demokratiko kabilang ang National Union of People’s Lawyers (NUPL), Free Lawyers Group (FLAG), Karapatan, isang NGO na ang pangunahing adbokasiya ay pagtatanggol sa karapatang pantao, at imga kabilang sa civil society.

Kinilala si Malaya bilang isa mga namuno sa pumalpak na kampanya na palitan ng sistemang pederal ang kasalukuyang sistemang unitaryo ng gobyerno. Hindi kinagat ng sambayanan ang mungkahi na pangamba na maaaring humati sa Filipinas. Dating siyang DILG undersecretary bagong piliin ni Duterte bilang sugo sa The Hague.

***

MGA PILING SALITA: “Don’t be too engrossed with celebrities. They’re people who’re famous for being famous. The world doesn’t revolve around them.” – PL, netizen

“The video clip of Harry Roque showing him dancing wildly on stage at the Philippine Arena was vulgar. Sabi ko sa sarili ko: Hindi bagay sa kanya. Mukha siyang balyena na nagtatalon. Nandidiri ako. Naririmarim. Nakakasuka dahil nagpipilit siya na mapansin para makakuha lang ng boto. Wala siyang panalo dahil ang tingin sa kanya ay walang kasing baba. Human rights na naging huiman wrong dahil sa kinang ng salapi at poder. Sa huli, naawa ako sa kanya. Politics always has its dirty side. I have no problem with this old adage. Pero si Harry ang dirty. Nanlilimahid sa kagaguhan at kababaan ng pagkatao.” – PL, netizen

“Bobong Marcos’ solution to pandemic: Unity. To natural calamity ( like Odette): Unity. To unemployment and poverty: Unity. To our dwindling economy: Unity. To the Chinese incursions at the West Philippine Sea: Unity pa rin.” – Maris Hidalgo, netizen

“Huwag masindak sa “lakas” ng INC. Walang dalawang milyon boto ang iaambag nila kay BBM. Kayang tapatan ng Dating Daan at JIL.” – PL,netizen