Advertisers

Advertisers

KAY ISKO KAMI: SEN. RECTO, REP. PJ GARCIA

0 329

Advertisers

BAYAN muna, bago ang katropa at kabarkada.

Plataporma at hindi drama.

Mga nagawa na at gagawin pa.



Mabilis na aksiyon laban sa pandemya.

Akomplisment at hindi basta lang salita!

Ang mga ito ang naging batayan kaya mas pinili nina Senate President Pro Tempore Ralph Recto at House Deputy Speaker and Cebu 3rd District Rep. Pablo John “PJ” Garcia na ikampanya ang kandidatura para pangulo ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso.

Sina Recto, pinuno ng One Batangas, at Garcia, secretary-general of One Cebu ay kapwa nagbigay-mensahe sa proclamation rally ng Aksyon Demokratiko sa Kartilya ng Katipunan katabi ng Manila City Hall nitong Martes, Pebrero 8.

Ayon kay Recto, malayo sa isip niya na suportahan si Yorme Isko dahil bago lang niya ito nakilala at “pinakamalayo kong kaibigan” at kung sariling interes ang iisipin niya, “siya ang huli kong susuportahan,” sabi ni Recto sa isang video message.



May mas mahalagang batayan, sabi ni Recto sa pagpili ng susunod na pangulo.

“…Bayan bago barkada at katropa, plataporma hindi drama, record na nagawa at hindi listahan ng pangako. Hindi doon sa liyamado pero doon sa sigurado at tunay ang serbisyo,” sabi ng senador.

Dagdag ni Recto, taglay ni Isko ang lahat ng katangiang hinahanap niya, at isa rito ang ipinakitang husay ng alkalde sa pagtugon sa problema ng pandemya.

“Ang pandemya ang tumimbang ng kanilang kakayahan. Siya din ang bumuking kung sino ang may kulang,” sabi ng lider ng One Batangas na nangako ng todong suporta upang ibigay ang panalong boto para kay Yorme Isko sa Batangas.

Tinukoy ni Recto ang ipinatayo ni Kois na pinakamalaking COVID-19 field hospital sa bansa na may 344-bed capacity sa loob lang ng 52 araw.

Bukod ang pagpapatayo ng modernong Bagong Ospital ng Maynila at ang pag-iimbak at pamimigay ng libreng Remdecivir at Molnupiravir sa sinomang nangangailangan ng gamot laban sa COVID-19.

Binanggit din ni Recto na si Yorme Isko ang unang nagtayo ng maraming free testing sites, mabilis na paggamit sa mga ospital para sa mga maysakit na COVID at ang walang tigil na ayuda sa mahihirap.

Iba si Isko, ani Recto na ” tumatakbo sa lakas ng mga proyektong nagawa niya, mga pasilidad na … gumagana na, mga bagay na nakatayo na.”

Ang ibang kandidato, promisory note ang pinamimigay, pero ” Kay Isko may resibo na,” sabi ni Recto.

Nanawagan ang senador sa publiko na iboto si Isko Moreno dahil ang “nagawa niya sa lungsod ng Maynila ay magagawa niya sa buong Pilipinas.”

Inulit ni Congressman PJ Garcia ang sinabi ni Sen. Recto at hayagang pinuri ang pagsisikap ni Yorme Isko na mahango ang sarili sa kahirapan at masolusyonan ang maraming problemang dala ng pandemya sa buhay at kabuhayan ng mga mamamayan ng Maynila.

Aniya, halos imposible ang nilampasang hirap ni Yorme Isko.

“Kaya siguro nang maging mayor siya, una niyang binigyan ng solusyon ang hirap na dinaanan niya dito sa Maynila,” sabi ni Garcia.

Tinukoy ni Garcia ang de kalidad na pabahay sa mahihirap tulad ng Tondominium, Binondominium, de primera klase at de aircondition na 10-palapag na paaralang publiko at world-class hospital sa lahat ng Manilenyo.

Ipinakita ni Yorme Isko, sabi ni Garcia na makakaya ang umangat basta tularan lang ang ginawa ni Isko na “masikap at matiyaga.”

May patunay na magiging mahusay na presidente si Isko, sabi ni Garcia at ang pruweba ay ” ginawa na niya dito sa Maynila…”

Napakamatulungin sa mahihirap at nasa gipit na buhay si Yorme Isko, sabi ni Garcia at binanggit ang tinulungang mahigit na 10,000 pamilyang biktima ng sunog sa Barangay Mambaling sa Cebu City noong nakaraang Nobyembre.

“Mula sa sariling bulsa, nagbigay siya ng P10,000 sa bawat pamilyang nasunugan,” sabi ni Garcia.

Bukod pa ang maraming tulong na salapi, pagkain, gamot at iba pa sa mga biktima ng bagyong Odette ng nakaraang Disyembre, at ginawa ito ni Isko, sabi ni Garcia na walang nakasunod na mata ng media.

“Kaming mga Bisaya, may kasabihan, ‘dili sulti ang pabuhaton, buhat mo ipasultion.’ Hindi salita ang gumagawa, ang gawa ang magsasalita,” sabi ni Garcia.

Kaya para kay Rep. Garcia, malaking karangalan para sa kanya, ipaglalaban niya si Isko para manalo sa Cebu na mayroong 3.2 milyong botante.