Advertisers
NAPAKALAKAS naman ng loob naman ng dalawang ‘bantay’ ng pasugalan sa Tanza, Cavite dahil ikinasa nila ang kanilang raket habang delikado pa ang sitwasyon ng bayan hinggil sa coronavirus disease – 2019 (COVID – 19).
Sa kasakuluyan, namamayagpag nang todo ang “color games” na pinopostehan nina alyas “Loleth” at alyas “Kenneth” sa Brgy. Bagtas.
Lantad na lantad ang kanilang iligal na pasugalan na dinudumog pa ng nga mananaya, ngunit mukhang balewala sa mga pulis at opisyal ng barangay.
Pokaragat na ‘yan!
Una, iligal ang color game dahil ipinagbabawal ito sa batas.
Pangalawa, labag din sa batas ang magkumpulan at magdikitan ang mga tao simula ng pumasok at atakihin ang bansa ng COVID – 19 noong 2020.
Ngayon ay Pebrero 2022 na, ngunit nananatili pa rin ang COVID – 19.
Subalit, walang takot itona sina alyas Loleth at alyas Kenneth na ilarga ang kanilang pinopostehang color game.
Ang duda ko, malakas silang dalawa sa pamunuan ng Brgy. Tanza.
Wala namang problema kung malakas sina alyas Loleth at alyas Kenneth kina kapitan o kagawad.
Ang nakabubuwisit ay kung mayroon natanggap ang ilang opisyal ng barangay ng ‘paunang bayad’ sa puwesto at ‘lingguhang renta’ o tara.
Pokaragat na ‘yan!
At ang higit na nakadidismaya ay hindi sinisita at lalong hindi sila pinagbawalan, samantalang walang dudang iligal na sugal.
Sino ba ang hepe ng pulisya sa Tanza?
Si Lt. Col. Rolando Baula pa ba?
Walong buwan ang nakalipas, si Baula ang nabalitaan kong hepe ng Philippine National Police (PNP) sa Tanza.
Hindi maliitan ang negosyong color game dahil ayon sa mga taong nakakaalam nito, hindi bababa sa P50,000 ang kita nito kada araw.
Kung ganon, hindi bababa sa P1.5 milyon ang kita ng bangka sa color game sa loob ng isang buwan.
Kaya, hindi nakapagtataka kung hayagang namanayagpag ang puwesto nina alyas Lolet at alyas Kenneth sa Brgy. Bagtas, Tanza .
Kung walang otoridad sa Tanza na nagpapatigil ng color game kahit labag ito sa batas at ipinagbabawal din sng pagkumpul-pumpol at pagdikit-dikit ng mga tao dahil nayroon pang COVID – 19, posibleng mayroong kumikita sa kanila.
Pihadong mayroong naglalaway sa lingguhang parating nina alyas Lolet at alyas Kenneth.
Maiparating nga kay Mayor Yuri Pacumo upang aksyonan niya itong iligal na pasugalan sa Brgy. Bagtas.
Tingnan natin kung kikilos si Pacumo, lalo na malapit na eleksyon.
Malaman natin dahil sa aking nabalitaan noon pa man ay talamak na ang iligal na sugal sa Tanza tulad ng drop ball, bookies ng small town lottery (STL), jueteng at iba pa.