Advertisers

Advertisers

Para sa tunay na pagbabago: Atty. Lopez suportado si BBM at Sara

0 459

Advertisers

Buong puso at lakas na sumusuporta sina Manila mayoralty candidate Atty. Alex Lopez kasama ang kanyang Bise Alkalde Raymond Bagatsing sa UniTeam nina aspirant President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos at VP candidate Inday Sara Duterte.

Ipinahayag ni Lopez na sina BBM at Sara ang kanyang makakatuwang para sa tunay na pagbabago ng bawat Manilenyo kung sakaling palarin siyang manalong bagong Mayor ng Maynila.

“Nakikita ko ang pagbabago kay BBM. He has the vision. He has the training. He has the dedication and BBM has a very good heart and he has the vision for a better Philippines,” wika ni Lopez.



“Para sa lahat ng nagmamahal sa Maynila, ito po ang panahon ng pagbabago at pag-unlad, kaya naman po sa darating na halalan suportahan natin si BBM at Inday Sara upang pamunuan ang ating bansa,” dagdag pa nito.

Si Atty. Alex Lopez ang opisyal na mayoral candidate ng partido Federal ng Pilipinas (PFP) sa Maynila, na noong November 10, 2021 personal na nanumpa ito bilang miyembro ng partido sa BBM Headquarters.

Sinabi pa ni Lopez na asahan ng Manilenyo na paparating na ang tunay na pagbabago at muling babangon ang Maynila kung sama-sama ang bawat isa na nagkakaisa at nagtutulungan.