Advertisers
ISA ang nasawi at isa ang sugatan nang pagbabarilin ng lalaking sinita dahil sa maingay niyang motor sa San Esteban, Ilocos Sur.
Kinilala ang nasawi na si Jimmy Cabus, habang ang sugatan ay nakilalang si Henry Cabus Jr.
Ayon sa ulat, sinita ng mga biktima ang kapitbahay na si Ely Vidal dahil sa ingay ng motor nito. Ikinagalit ito ng huli at pinagbabaril ang mga biktima.
Tumakas si Vidal matapos ang krimen, ngunit sumuko rin sa pulisya kinalaunan.
Nahaharap si Vidal sa mga kasong murder at frustrated murder.