Advertisers
PANSAMANTALANG isinara ang Quiapo Church mula January 3 hanggang 6, 2022.
Bahagi ito paghahanda sa darating na kapistahan ng Poong Hesus Nazareno sa January 9.
Maliban dito, tugon din ang naturang hakbang sa pagbabago ng alert level sa Metro Manila dahil sa pagtaas ng kaso ng Covid-19.
Sa Quiapo Church Facebook page, sinabi ni Minor Basilica of the Black Nazarene Parochial Vicar, Rev. Fr. Douglas Badong, na layon nitong bigyang daan ang pagsasagawa ng proper disinfection sa simbahan.
Magpapatuloy naman ang online livestreaming ng mga misa.
Muling bubuksan ang simbahan sa publiko sa January 7.
Kasalukuyan nang nagsagawa na ng paglilinis sa kabuuan ng simbahan at paligid nito. (Jocelyn Domenden)