Advertisers
BINARIL sa loob ng pampasaherong jeepney ang isang radio broadcaster sa Cebu City, Huwebes ng hapon.
Kinilala ni Police Major Edgar Labe, hepe ng Waterfront Police Station, ang biktima na si Rico Osmeña, radio broadcaster sa DYLA sa Cebu City at nagsusulat din sa Manila-based national newspaper Daily Tribune.
Sa ulat, bago sumakay ng jeep, galing si Osmeña sa kanyang radio program.
Ilang araw umano ang nakakaraan, sinabi ng biktima sa radyo na nakakatanggap siya ng death threat na iniulat na niya sa NBI.
Batay naman sa pahayag ng driver ng PUV, sinabi ni Labe na may malay ang biktima nang barilin ng salarin.
Tinamaan ang biktima sa balikat at isinugod sa ospital kungsaan siya isinailalim sa operasyon.
Isang babaeng pasahero rin ng PUV ang sugatan sa insidente.
Ayon kay Labe, hinihintay pa nila ang impormasyon mula sa doktor kung tama rin ng bala ang tinamo ng babae o nasugatan dahil sa nabasag na salamin dulot ng pamamaril.
Inaalam pa ang pagkaka-kilanlan ng nakatakas na salarin at kung ano ang motibo sa krimen. (Mark Obleada)