Advertisers

Advertisers

Kweba ginawang evacuation center sa Samar

0 382

Advertisers

TACLOBAN CITY – Nananatili pa sa mga evacuation center ang libu-libong residente sa Eastern Visayas matapos manalasa ang bagyong Odette, Huwebes ng hapon.

Malakas na ulan at hangin naman ang naranasan sa bahagi ng Southern Leyte gayundin sa ibang parte ng rehiyon.

Sa bahagi naman ng Barangay Caluwayan, Marabut, Samar, pansamantalang ginawang evacuation center ng nasa 99 pamilya ang isang kweba.



Ayon sa mga residente, ito ang kanilang tinutuluyan sa ngayon dahil parin sa takot sa pananalasa ng bagyo.