Advertisers

Advertisers

3 BRGY. OFFICIALS PINATAY SA SAMAR

0 511

Advertisers

TACLOBAN CITY – Tatlong mga opisyal ng isang barangay ang pinagbabaril-patay sa bahagi ng Barangay Cagbanyacao, Calbayog City, Samar.

Kinilala ang mga biktima na sina Brgy. Kagawad Jonas Casaljay, Chief Lupon Miguel Galvan, at Chief Tanod Benedicto Dacara, pawang residente ng nasabing barangay.

Ayon kay Police Lt. Aileen Velarde, information officer ng Samar PPO, natukoy na nila ang anim na salarin sa pamamaril ngunit hindi na muna nila ito pinangalanan.



Patuloy rin ang imbestigasyon ng pulisya sa motibo ng mga salarin sa krimen na nangyari sa kasagsagan ng bagyong Odette.