Advertisers

Advertisers

2 pulis, 3 sibilyan sugatan sa ambush

0 266

Advertisers

KINONDENA ni Philippine National Police (PNP) ang pag-atake ng mga elemento ng New People Army (NPA) sa mga sundalo at pulisya na nagsasagawa ng ‘preemptive evacuaion’ bilang paghahanda sa pananalasa ng bagyong Odette na ikinasugat ng 2 sundalo at 3 sibilyan sa Samar at Surigao del Sur nitong Huwebes.

Ginawa ang pagkondena ni PNP Chief, General Dionardo Carlos, nang paulanan ng bala ng mga rebelde ang mga sundalo, Special Action Force at mga health worker na nagsasagawa ng preemptive evacuation sa Carmen, Surigao del Sur at Matuguinao, Samar.

“These are totally deplore action by the local communist terrorists that deserve the strongest condemnation of civil society,” ngitngit ni Carlos.



Sa Barangay Esperanza, Carmen, dalawang sibilyan ang nasugatan nang pagbabarilin ng mga rebelde ang convoy ng mga sundalo, heath workers at mga sibilyan na inililikas sa mga mababang lugar bilang pagha-handa sa pagtama ng bagyong Odette.

Samantala, dalawang miyembro ng SAF at isang sibilyan ang nasugatan nang paputukan ng mga rebelde sa Brgy. Del Rosario, Matuguinao.

Nakilala ang mga nasugatan na sina Cpl. Abner Balante, Cpl. Manuel Carlos at sibilyan na si Jomar Diaz.

Naghahanda ang mga local govertnment unit kasama ang mga element ng SAF ng mga kagamitan kakailanganin sa pagsasagawa ng rescue operation nang paputukan ng mga rebelde.(Mark Obleada)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">