Advertisers

Advertisers

2 college studes nakuhanan ng droga, baril at bala

0 496

Advertisers

DINAKIP ang dalawang college students nang makuhanan ang mga ito ng droga at baril nang magsagawa ng Oplan Galugad/Anti-Criminality at Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) sa Taguig City, nitong Huwebes.

Kinilala ni Southern Police District (SPD) Director, Brigadier General Jimili Macaraeg, ang mga dinakip na sina Alexis Angelo Patricio, 25 anyos, 2nd year college; at Ishmael John Ishimatu, 24, 1st year college.

Sa report, 1:30 ng hapon nang madakip ang dalawang estudyante sa MLQ Street, Barangay Lower Bicutan. Nakuha sa kanilang posisyon ang 1.39 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P9,452.00, isang kalibre .45 baril at mga bala.



Nakakulong ang dalawa sa Taguig City Police detention facility. (Gaynor Bonilla)