Advertisers

Advertisers

150 residente ng Legazpi City natangayan ng P40m sa investment scam

0 356

Advertisers

LEGAZPI – Pinaghahanap ngayon ang mag-asawa na nasa likod ng isang investment scam at tumangay ng nasa P40 million mula sa 150 residente ng Legazpi City.

Ayon kay Atty. Norma Tan Olaya, officer in charge ng Securities and Exchange Commission, ang nirereklamo ay ang Real mind/Secret of life investment scheme na hindi aprobado ng kanilang tanggapan na pinapatakbo ng mag asawang Jesus Rey Realo Jr. at Ma. Ledwina Oca Realo II na residente ng Barangay San Roque dito.

Sa salaysay ng mga biktima na karamihan ay walang trabaho at ang iba’y private employee, ang mag-asawa ang nag-offer sa kanila ng investment na aabot sa P10,000 at pinangakuan na tutubo sa susunod na mga buwan.



Lumalabas rin na ang naging transaction sa pagitan ng mga biktima at suspek ay sa pamamagitan ng online fund transfer, cash transaction, cash deposit, at Gcash.

Kasalukuyan narin naihain ang reklamo sa PNP Legazpi at Criminal Investigation and Detection Group.

Panawagan ng SEC Legazpi na maging wais at huwag basta maniniwala sa naglipang investment scheme ngayong pandemya.