Advertisers
INSPIRASYON SA BUHAY: “… Padadalhan din niya kayo ng iba pang karamdamang hindi nabanggit sa aklat na ito ng kautusan hanggang sa kayo’y mapuksa…” (Deuteronomio 28:61, Ang Tanging Daan Bibliya).
-ooo-
MGA BANSA SA MUNDO, MAY TAKOT AT PANGAMBA SA PANGANIB NG OMICRON VARIANT NG COVID 19 VIRUS: Takot at pangamba ang namamayaning reaksiyon ng iba’t ibang bansa ng mundo sa ngayon matapos makumpirma ng mga dalubhasa na mas makamandag at mas madaling makahawa ang Omicron, o ang pinaka-bagong variant ng COVID 19 variant na sinasabing nagmula sa South Africa.
Pangunahin sa nagpapakita ng takot at pangamba ang United Kingdom sa Europa, matapos lumabas ang tala ng mga pinag-usapan sa isang pulong noong Lunes, Nobyembre 29, 2021, ng kanilang mga manggagamot, ekonomista, at mga opisyales ng gobyerno.
Ang grupo ng mga manggagamot, ekonomista, at mga opisyales ng gobyerno ang bumubuo sa isang organisasyong tinatawag na SAGE, o Scientific Advisory Group for Emergencies.
Ayon sa balitang inilabas ng BBC News sa London, inaasahan ng mga kasapi ng SAGE ang “potentially significant wave of infections” sa mga susunod na araw, partikular sa mga unang linggo ng Enero 2022, kung saan ang mga tao ay katatapos lamang gunitain at ipagdiwang ang Christmas 2021 at New Year 2022.
Dahil sa mga pagluluwag na pinahintulutan ng mga gobyerno sa iba’t ibang bansa upang maranasang muli ng mga tao ang magdiwang ng Kapaskuhan ng walang kinatatakutang pandemya, makikita ang tiyak na biglaang paglobo ng bilang ng mga mahahawa ng Omicron variant ng Covid 19 virus.
-ooo-
“POTENTIALLY SIGNIFICANT INFECTIONS”, NAKIKITA NG MGA DALUBHASA PAGPASOK NG 2022 DAHIL SA OMICRON VARIANT: Dahil sa inaasahang matinding pananalasa ng Omicron variant—o isang bagong uri ng Covid 19 virus na mas makamandag at mas nakamamatay kaysa sa Delta variant—magpapatupad ang mga matataas na pinuno ng United Kingdom ng “stringent measures” upang mapaglabanan ang bagong uri ng virus.
Isa sa mga kinatatakutang panganib na dala ng Omicron variant ang bagsik nito laban sa mga bakunang nauna ng itinurok sa mga tao. Ibig sabihin nito, kahit na fully vaccinated na ang isang tao, magiging target pa din siya ng Omicron variant.
Ganundin, dahil sa magiging nakakahawa pa din ng higit sa pagiging nakakahawa ng Delta variant ang Omicron variant, magkakaroon muli ng pagsisikip ng mga ospital at iba pang mga medical facilities ng higit pa sa naunang pagsisikip noong nananalasa ang Delta variant.
Dahil dito, kailangang maghanda na ng lubos ang mga pamahalaan sa buong mundo sa kasalukuyan, dagdag pa ng mga dalubhasa ng SAGE. Kasama sa mga paghihigpit na ito ang pagsasarang muli ng mga bansa sa mga dayuhang nais tumungo sa kanilang mga lugar. Magpapatupad din ng mas matinding kampanya para magpabakuna ang mga tao sa lalong madaling panahon.
-ooo-
PAGPAPATATAG NG MGA PAMAHALAANG LOKAL VS COV ID 19 OMICRON VARIANT SA PAMAMAGITAN NG INTERNAL REVENUE ALLOTMENT, IPINANUKALA NG ISANG EKONOMISTA: Ayon naman sa ibang mga dalubhasa, nakikita din nila ang posibleng paglantad ng isa pang nakakamatay na virus, o yung tinatawag na “flesh eating virus” na kumakain sa laman ng mga tao kahit na buhay pa ang mga nakapitan ng virus na ito.
Magmumula diumano ang “flesh eating virus” na ito sa mga tao na may ketong, at dahil sa pagtatagpo ng virus ng ketong sa virus ng Covid 19 at ng mga variants nito, gagawin ng virus na ito na tila zoombies na ang mga mahahawa. Zoombies ang tawag ng ilang mga pelikulang may ganitong tema, sa mga tao na matapos makagat ng mga taong may virus ay nagiging cannibal, o kumakain ng laman ng ibang tao.
Ke totoo o hindi ang mga inilalabas na mga ganitong balita ng ilang dalubhasa, sinasabi naman ng ilang ekonomista sa Pilipinas na lalong magiging mahirap ang sitwasyon sa maraming bansa at mga tao. Tiyak magkakagutuman dahil walang makakapagtanim, walang makakapag-alaga ng mga hayop na makakain, at wala ding gagawa ng mga processed foods.
Ayon kay economist at vice presidential aspirant ng Labor Party of the Philippines na si Manny Lopez, kailangan lamang isulong ng susunod na gobyerno ng bansa ang totohanang pagpapatupad ng isang kautusan ng Korte Suprema na nag-uutos sa pambansang pamahalaan na ibigay sa mga pamahalaang lokal ang taunang budget subsidy na nakatala sa mga batas sa ngayon.
Kung maibibigay lamang ng pambansang pamahalaan ang budget subsidy na tinatawag na internal revenue allotment taon-taon, tiyak makakakilos ng husto ang mga lokal na opisyales upang maisulong ang food production sa kani-kanilang mga lugar.
-ooo-
MANOOD, MAKINIG: Kakampi Mo Ang Batas, www.facebook.com/attybatas, www.facebook.com/radyopilipino, YouTube.com/kakampimoangbatas, Radyo Pilipino stations nationwide, at mga affiliated radio stations ng Kiss FM network, Sunrise News network, PowerNews Broadcasting Network, 95.5. J FM network.