Advertisers

Advertisers

‘SUPER HOSPITALS’ SA BAWAT REHIYON, PANUKALA NI BONG GO

0 228

Advertisers

IGINIIT ni Senator Christopher “Bong” Go sa pamahalaan ang pangangailangan na dapat mamuhunan ang bansa sa healthcare system at matuto sa naging karanasan sa patuloy na COVID-19 pandemic.

“The more we invest sa ating healthcare system, the better. Dapat po ay maging proactive po tayo. Huwag na tayong maging kumpiyansa. Noong nangyari sa atin, nabigla tayo. Sino bang mag-aakala?” sabi ni Go sa ambush interview matapos niyang pangunahan ang pamamahagi ng tulong sa LGBT Coalition members sa Davao City nitong Sabado.

Idiniin din ni Go ang kahalagahan na mabigyan din ng sapat na pondo ang Research Institute for Tropical Medicine (RITM) lalo’t naging krusyal ang papel nito sa paglaban sa pandemya.



Ang RITM ang naging pangunahing research arm ng Department of Health sa pagsugpo at pagkontrl sa infectious at tropical diseases sa bansa.

Ito rin ang ang kauna-unahan at nagkataong nag-iisang COVID-19 testing facility sa bansa. Kaya naman sinabi ni Go na ipinaglaban niya sa mga nakaraang deliberasyon sa Senado ang badyet ng nasabing institusyon.

“Alam mo, ikwento ko lang po sa inyo itong RITM. Ito pong ahensyang ito ng DOH iyon pa ang unang babawasan nila ng pondo noong 2020. Nagkaroon kami ng hearing noong 2019, iyon pa ang binawasan,” sabi ni Go.

“Hindi mo akalain ang RITM ang pinakaunang division… o opisina ng DOH na mangunguna sa testing. Iyon pa ang una nilang planong bawasan. Hindi ako pumayag, dinagdagan ko pa. Binalik ko pa, siguro kutob ko lang noong panahong ito na dapat ‘wag pabayaan ‘yung RITM,” idinagdag ng senador.

Kaya nanawagan ding maisaayos ang mga pampublikong pagamutan sa bansa, isinusuloong ni Senator Go ang pagtatayo ng “super hospital” sa bawat rehiyon.



“Mag-invest tayo sa mga hospital–pagandahin natin. Ako po, ang plano ko po sana’y magkaroon tayo ng ala-SPMC (Southern Philippines Medical Center), ala-PGH (Philippine General Hospital) sa bawat rehiyon,” sabi ni Go.

“Kung maaari po magkaroon tayo ng super center na complete parang mega regional hospital in each region. Halimbawa, Metro Manila kung may PGH na maganda, kumpleto nandiyan ang pasilidad lahat–operasyon, heart, lahat kumpleto,” idinagdag ng senador.

Samantala, sinabi ni Go na masusing pinag-aaralan ng Senado ang House Bill 10392 na magbibigay mandato sa local government units na maglaan ng 15% ng kanilang share sa national taxes para health services.

“Pag-aralan natin ito sa Senado, as a legislator, itong devolved function ng kalusugan kung saan LGUs ang primarily in-charge in their respective jurisdictions (when it comes to key public services). Iyan po ang mandato ng Local Government Code,” ani Go.

“Pag-aralan natin kung mayro’ng legal implications ang batas na ito requiring the LGUs to allocate a very specific portion ng annual national tax allotment share for health services,: aniya pa.

Nangako si Go bilang chairman ng Senate committee on health na patuloy niyang ipaglalaban ang mga polisiya para maging maayos at mabilis ang access ng Filipino sa healthcare services, gayundin ang karapatan ng healthcare workers.

“Now, the more we should invest sa ating healthcare system. The more na dagdagan natin ng pondo. The more na mag-allocate tayo bilang senador ninyo.”

“Ako po ipaglalaban ko po lalung-lalo na po ‘pag kapakanan ng ating mga healthcare workers, mga frontliners–ibigay natin sa kanila ang dapat para sa kanila. Huwag natin silang pahirapan,” idiniin ni Go.