Advertisers

Advertisers

Supalpal si Digong kay Gordon

0 236

Advertisers

UMIINIT na naman ang word war sa pagitan nina Pangulong Rody “Digong” Duterte at Senador Richard Gordon.

Ito’y matapos ianunsyo ni Digong ang kanyang “accomplishments” sa kanyang termino na magtatapos sa Hunyo 30, 2022. Na aniya’y halos natupad niyang lahat ang kanyang mga pangako sa election campaign noong 2016.

At sinabi pa ni Digong na kaya siya tumatakbo uli na Senador ay para baguhin ang mga pangit na polisiya sa Senado. That means gusto niya ma-ging Senate President, tulad ng inaanunsyo ng kanyang “bata” na si Senador Ronald “Bato” dela Rosa.



Ang bagay na ito’y sinopla ni Gordon, ang tserman ng makapangyarihang Senate Blue Ribbon Committee na kumakalkal sa multi-billion pesos deal sa pagitan ng gobyerno at pharmaceutical company (Pharmally) na nagsuplay ng facemasks/face shields na nagkakahalaga ng halos P9 billion sa kabila na ang kapital nito’y higit P600K lamang. Naniniwala si Gordon na may malaking tao sa administrasyon ang sangkot sa katiwaliang ito.

Sabi ni Gordon, paano pa iboboto ng mga Filipino si Duterte e binigo niya na ang mga ito sa kanyang mga pangako.

Ano-ano ba ang mga partikular na ipinangako ni Duterte sa kanyang election campaign noong 2016? Ito ay ang sugpuin ang iligal na droga sa loob ng “3 to 6 months”, wakasan ang kriminalidad at korapsyon.

Ang droga partikular shabu ay bumabaha ngayon, mga imported pa!

Ang mga tiwaling opisyal na karamihan political appointees ni Duterte ay walang nakulong, dismiss ang mga kaso, nilinis pa ng Pangulo, kahit nagdudumilat ang katotohanan ng pangungulimbat ng mga ito. Banggitin na natin ang pumutok na katiwalian sa PhilHealth, DoH, PCSO, Tourism, DPWH, PITC, DBM-PS, at marami pa.



Sabi nga ng Commission on Audit (CoA), daan daang bilyong piso, taxpayers money, ang napunta lang sa katiwalian under Duterte administration. Mismo!

Sabi ni Gordon, walang natupad si Duterte sa kanyang mga ipinangako sa mga Filipino. Kaya hindi na ito dapat pang pagkatiwalaan sa pagtakbong Senador sa 2022.

Sa kanyang pagsasalita sa General Santos City kamakailan, sinopla rin si Duterte ng online Minda News sa pagsabing ang natapos na improvement ng airport sa lungsod ay bahagi ng kanyang centerpiece “Build Build Build” gayong ang katotoha-nan ito’y pinondohan at sinimulan noong panahon ni late President Noynoy Aquino (2010 – 2016).

Ayon sa SOCSKSARGEN Area Development Project Office (SADPO) Annual Report 2015, ang GenSan Airport ay pinondohan ng P959 million under Calendar Year 2015 ng Department of Transportation and Communication’ (DOTC) Infrastructure Program para sa improvement ng existing airport passenger terminal building at iba pang mga pasilidad.

Kaya hindi raw dapat inaako ni Duterte ang mga proyekto na hindi inumpisahang gawin noong hindi pa siya ang presidente. Oo nga naman!!!

Anyway, ang muling pagtakbo ni Duterte sa 2022 ay magi-ging sukatan kung gugustuhin pa siya ng mga Pinoy sa kabila ng mga kapalkpakan ng kanyang administrasyon.

Kayo, mga pare’t mare, iboboto n’yo ba si Duterte para Senador?