Advertisers

Advertisers

Pulis patay sa lunod

0 438

Advertisers

NASAWI ang isang opisyal ng Philippine National Police (PNP) nang tangayin ng malakas na alon ng tubig habang nagswi-swimming kasama ang pamilya at ilang kasamahan sa Simabahan, Marihatag, Surigao Del Sur.

Kinilala ang biktima na si Colonel Francisco D. Dungo, 54 anyos, nakatalaga sa PNP National Headquarters ng Libertad, Butuan City.

Nagpaabot naman ng pakikiramay si PNP Chief, General Dionardo Carlos, sa pamilya ng nasabing opisyal.



Ayon kay Carlos, naganap ang insidente sa karagatan sakop ng Purok Mutya, Barangay Arorogan, Marihatag.

Lumalangoy sa malalim na bahagi ng tubig ang biktima at nang lumakas ang alon ay natangay ito at nalunod. (Mark Obleada)