Advertisers

Advertisers

Lending collector brutal na pinatay, isinako at itinapon sa ilog

0 455

Advertisers

ISANG lalaking lending collector ang natagpuang patay, nakalagay sa isang sako sa may tabing ilog sa bayan ng Urbiztondo, Pangasinan.

Kinilala ang biktima na si Remar Dumalao, 32 anyos, lending collector, ng Barangay Anonas, Urdaneta City.

Nabatid na mahigit isang linggo nang nawawala ang biktima. Huli itong nakita sa isang compound sa Brgy. Pangdel, Bayambang noong Nobyembre 24 na nangongolekta ng pautang.



Nang siyasatin ng mga awtoridad ang bangkay, nakita nila itong basag ang ulo, may tama ng baril sa kaniyang kanang turso at pinagbabali pa ang mga paa.

Nakita rin na naiwan sa kaniyang katawan ang 15 pellet bullets mula sa isang 12-gauge shotgun na posible rin umanong improvised lamang.

May posibildad na sa ibang lugar pinaslang ang biktima at pagkatapos isako ay itinapon sa ilog na naanod hanggang sa mapadpad sa may tabing ilog ng Ango River sa Brgy. Poblacion, Urbiztondo.

Base sa post mortem examination, may ilang araw nang patay ang biktima bago matagpuan ang labi nito.

Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang pulisya sa krimen

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">