Advertisers
PATAY on the sport ang isang lalaki nang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin sa bahagi ng Sito Panang, Barangay Salbu, Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao, nitong Sabado ng madaling araw (December 4)
Kinilala ang biktima na si Fahid Ebad alyas Titiklaw Canapia, 30, at residente ng Barangay Satan, Datu Unsay, Maguindanao.
Base sa imbestigasyon Datu Saudi Ampatuan PNP, nakatanggap sila ng tawag mula sa isang concerned citizen kaya’t agad silang nagresponde.
Ngunit pagdating sa crime scene, nakatakas na ang mga salarin kaya nagsagawa sila ng hot pursuit operation ngunit hindi na nila nahuli ang mga ito.
Lumalabas din sa imbestigasyon na habang naglalakad ang biktima sa nabanggit na lugar bigla itong pinagbabaril ng hindi nakikilang mga saralin gamit ang M16 Armalite Rifle base na rin sa narekober na mga basyo ng bala sa crime scene.
Samantala, nakuha sa kanang bulsa nito ang isang pakete ng shabu.
Napag-alam ng mga otoridad na dating drug surrenderee ang biktima.
Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa insidente.