Advertisers
MARAMI sa ating mga kababayan lalo na yaong mga nasa kanayunan ang nadismaya sa mga pustura na ipinakita ng ating mga senador sa nakaraang pagdinig sa budget nga National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).
Tulad ng mga pagtutol na ituloy pa ng NTF-ELCAC ang mandato nito sa ilalim ng Executive Order No. 70 ni Pangulong Rodrigo Duterte o kaya naman ay tapyasan ang budget ng task force ang ipinakita ng ating mga senador gaya nila Senator Sonny Angara, Joel Villanueva, Risa Hontiveros, Sherwin Gatchalian, Nancy Binay, Franklin Drilon at Grace Poe.
Ang resulta, nang mabalitaan ng ating mga kababayan ang mga posturang pinaggagawa ng ating mga deputado dyan sa senado, ay siyempre umalma ang mga dapat ay mga benepisyaryo ng tinatawag ng Barangay Development Program (BDP) na pinangangasiwaan lamang ng NTF-ELCAC. Uulitin ko, “pinangangasiwaan” at hindi nahahawakan o dumadaan ang pondo ng BDP sa task force.
Direkta pong ibinababa ng Department of Budget and Management ang pondo ng BDP sa mga local executives upang sila ang maging katuwang ng ating mga kababayan na nangangailangan ng nasabing pindo para paubnlarin ang kanilang barangay na napeste ng mga komunistang-terorista sa mahabang panahon ngunit napalayas na sa kanilang lugar sa sama-samang pakikipaglaban ng ating tropang militar, mga ahensiya ng pamahalaan at ng mismong taong bayan.
Kaya naman lumantad na rin ang mga gobernador, mayor atbp. upang paliwanagan ang mga senador kong nabanggit na ang kanilang mga postura sa pondo at mismong mandato ng NTF-ELCAC ay pawang walang basehan at tila pang-eleksiyon lamang.
Sina Davao de Oro governor Tyron Uy, Cotabato governor Nancy Catamco at Sadanga Municipal Mayor Gabino Ganggangan ng Mt. Province ay hayagan ng nagdeklara na kung patuloy ang posturang ito ng ating mga senador ay susuklian naman nila ng “zero votes” sa kanilang mga lugar ang mga mambabatas.
Hindi ito panankot, kung di paghahayag lamang ng kanilang panghihinayang sa dapat sana ay malaking kaunlaran sa pondong manggagaling sa BDP na ibibigay sa kanilang mga barangay na nasasakupan.
Eh mismong si TESDA Chief, Secretary Isidro Lapeña nga ay nagsabi din sa mahigit na dalawang taon na kasama ng TESDA ang NTF-ELCAC sa Poverty Reduction, Livelihood and Empowerment Cluster ay maraming kababayan natin ang naging s holar nila at natulungan paunlarin ang kani-kanilang mga buhay.
Ito raw ang naging dahilan ng ating mga kababayan sa kanyunan na iwaksi na ang mga kabuktutan ng mga komunistang-terorista at mabigyan naman ng kaunlaran ang kanilang mga sarili at mga komunidad.
Ilan pa kaya o sino pa kaya ang kailangan magsalita upang mahimasmasan naman ang ating mga deputado diyan sa senado para maintindihan nila ang kanilang maling postura sa pondo at mismong BDP ng NTF-ELCAC?