Advertisers
GAANO kadalas ang minsan na makikita at mababasa na may isang likas na obrero ang pumalaot sa larangan na pakikinabangan ng sambayanan. Bihira ang may naglalakas ng loob na suungin ang landas lalo’t malakas ang agos kontra sa layunin na ibangon ang uring obrero sa larangan ng politika. Politika na para lang sa iilan na naghaharing uri lalo sa usapin pang lokal, politika para sa may pera’t pangalan, pulitika na hagdan ng mga artista para sa mas masaganang buhay.
At hindi ito para sa masa’t obrero na ang pagboto’t pumili ng taong nangunguna at kakatawan para sa kanilang layon ang tanging papel sa lipunan . Kaya’t ang haharapin ng isang likas na obrero sa landas ng politika’y isang tunay na matarik na daan na kailangan ng tunay na suporta ng mismong hanay at ng mga Pilipinong nagnanais ng pagbabago para sa obrero at sa masang kanilang kakatawanin..
Sa huling bahagi ng pilian ng mga magsisitakbo sa hanay ng Kalimbahin para sa Senado, ang mga likas na obrero ang masasabing naglaban upang punuan ang panghuling upuan na pupuno sa line-up nito na tatakbo sa pagkasenador. Malungkot, dahil sa unang nabangit, ngunit may sayang naramdaman dahil nabuksan ang pagkakataon na may isang silya sa hanay ng oposisyon na ang kakatawa’t lehitimong galing sa hanay ng obrero.
Siya si Sonny Matula, isang lehitimong obrero na nagmula sa Sultan sa Barongis at lumaki sa bayan ng Loreto, Agusan del Sur. Sa pagnanais na makawala sa kahirapan, ito’y nagtrabaho habang nag-aaral at ginawang tuntungan ang abang kalagayan upang magpursige sa pag-aaral at makatapos ng kolehiyo. Hindi ito tumigil sa pagsisikap, habang ito’y gumagalaw bilang organisador ng mga obrero, naisipan nitong magpatuloy ng pag-aaral at kumuha ng abogasya hanggang matapos noong 1997 at makapasa sa pagsusulit sa Bar noong 1998. Sa karanasan sa pagharap sa mga usaping pang obrero minarapat ni Atty. Sonny na ipagpatuloy ang paglilingkod sa mga obrero na kanya mismong karanasan.
Lumalim g lumalim ang kaalaman sa usapin ng mga obrero kahit na isa itong Juris Doctor. Humaba ng humaba ang paglilingkod sa obrero na sa kalaunan nakita ng pangasiwaan ng Federation of Free Workers na panahon nang maging isang opisyal si Sonny at ‘di nagtagal naging pangulo ng FFW hanggang sa kasalukuyan. Sa pagiging pangulo ng FFW napatunayan ni Atty. Sonny na hindi nagkamali ang mga kasama at lalong yumabaong ng kasapian ng pederasyon sa pangunahan nito ang grupo. Sa buti ng pagdadala sa pederasyon, maraming mga negosyo ang nagbukas ng pinto sa mga pag-uusap na may kinalaman sa Collective Bargaining Agreement (CBA).
Ang ruta ng buhay ni Atty. Sonny, ruta ng maraming unyon na itinatag at ang pagsara ng maraming Collective Bargaining Agreement (CBA) sa malalaking kumpanya na nagbigay sa mga obrero ng kasiguruhan sa kanilang hanapbuhay. Bukod pa dito ang mga karapatan ng mga obrero sa iba’t – ibang insentibo na naisara sa usapan ng negosyo at ng obrero. Walang pagod humarap at tumayo sa kagalingan ng mga obrero na napansin ng mga negosyante na isa itong mabuting kausap at walang pagpapanggap sa mga negosasyong naganap sa magkabilang panig.
Hindi nakitaan si Atty. Sonny ng pagiging arogante sa mga negosasyon na ikinagalak ng maraming negosyo na tama lang na makipag mabutihan ito sa hiling ng mga obrero. At sa hanay ng obrero isang malaking bahagi ng kanilang tagumpay ang isang Atty. Sonny na mahusay sa pakikipag usap o negosasyon na nagbunga sa katatagan ng kanilang paghahanapbuhay. Hindi kailangan ipagmalaki ang mga pangalan ng mga negosyong nagsara sa CBA ng mga obrero.
Bagkus nais na ibahagi ng mga ito ang galing ni Atty. Sonny na haharap sa halalan ’22, maaring kawalan nila ito subalit hayaan na mas makinabang at dalahin ang interes ni Mang Juan, ng obrero, ng balana maging ng negosyo sa pagpasok nito sa bagong yugto ng kanyang paglilingkod ‘di na lang para sa obrero, ngayo’y para sa bayan. Ang pagiging makatwiran nito sa mga desisyon ang galing na mapapkinabangan ng bayan, hindi kakikitaan ng kahinaan lalo sa tamang pagpapasya. Ang pagpapasya nito’y makatuwiran at nakasalig sa kagalingan pang kalahatan. Tinitimbang ang bawat galaw na sadyang kailangan kung batas ang pag-uusapan.
Tunay na mapalad ang grupo ng kalimbahin sa tamang pagpapasya ng mapasama si Atty. Sonny sa line-up nito sa pagkasenador. Dala ang malalim na karanasan sa pag-oorganisa, negosasyon at isang lehitimong lider obrero ang nagbigay lalim sa malalim na itong hanay na nagbibigay sa katunggali na mag-isip kung sino ang ihaharap sa tunay na magdadala ng usapin ng obrero. Tila walang pantapat sa sino o ano mang grupo kung ang usapin ng obrero ang pag-uusapan. Hindi kayang itulak ang karanasan nito, sa halip ang tamang gawi’y susugan ang kandidatura ni Atty. Sonny na pagtitiyak sa pag-unlad ng negosyo’y sa bansa. At ang maunlad na negosyo’y pagdami ng hanapbuhay na siyang pangunahin nito na magtitiyak sa kabuhayan ng maraming Pilipino.
Kalimbahin ang dalang kulay ni Atty. Sonny, ito’y interes ng obrerong may pagtingin sa kagalingan ng lahat. Hindi hihingi ng labis, at batid ng mga negosyong nakaharap nito sa mga negosasyon na kagalingan pang kalahatan ang dala nito. Ang pagtitimbang para sa obrero’y kasing halaga ng pagtimbang nito sa negosyo, ang kawalan ng isa’y kawalan ng kalahatan. At nakakatiyak na ang kalimbahing obrero’y makatuwiran sa lahat ng oras. Hindi yuyuko sa kamalian at hindi nagmamalabis sa kapakinabangan. Ang tuwid at tama ang ipaglalaban, dalhin ang kalimbahin obrero, kasama ang iba pang kalimbahin ng masiguro na ang kagalingan ng bayan ang una. Kasama ang abalang pangulo at ang iba pang tumatakbo, dalhin si Atty. Sonny Matula sa Senado.
Maraming Salamat po!!!