Advertisers

Advertisers

Girian ng gobernador at bise gobernador hinggil sa supplemental budget no. 3 sa Oriental Mindoro, mamamayan ang napeperwisyo

0 221

Advertisers

NALILITO tuloy ang mamamayang mindorenyo kung sino talaga sa Sangguniang Panlalawigan at Provincial Government ang nagsasabi ng toto, bawat panig may kanya-kanyang bersiyon o paliwanag.

Sabi ni Gov Humerlito “Bonz” Dolor hindi inaprobahan ng SP sa kanilang sesyon ang Supplemental Budget No. 3 na naglalaman ng SWELDO ng LAHAT ng CASUAL AT CONTRACTUAL EMPLOYEES ng Pamahalaang Panlalawigan simula SETYEMBRE hanggang DISYEMBRE kabilang ang mga Doktor, Nurses, Medtechs at iba pa.

Laman ng naturang BUDGET ay para sa PAGKAIN NG MGA PASYENTE at GAMOT SA OSPITAL Kabilang na umano dito ang PAMBILI ng mga MEDICAL EQUIPMENT at dagdag gugulin sa pagpapagawa ng Molecular Laboratory sa Ospital sa Roxas para sa mga taga 2nd District ng Oriental Mindoro.



Samantala sa panig naman ng SP na pinamumunuan ni Vice Governor Jojo Perez, Hindi umano hangarin ng SANGGUNIANG PANLALAWIGAN (SP) na i-delay ang PAG-APRUBA ng Supplemental Budget No. 3 (SB No.3).

Sinusunod umano ng SP ang BATAS na nag-aawtorisa sa 2021 Annual Budget – ang General Appropriations Ordinance No. 747-2021.

Lahat umano ng Miyembro ng SP ay PABOR NA APRUBAHAN ang Suplemental Budget No. 3.

NAKIKIUSAP lamang ang SP sa Gobernador ng probinsiya na isama sa SB No. 3 ang mga pangangailangan din ng SP gaya na lamang sa pagbibigay ng TULONG MEDIKAL, donasyon sa mga BARANGAY, at PASWELDO sa mga casual/contractual employees.

Kung hindi umano isasama sa SB No.3 ang pangangailangan ng SP, imposible na itong mapondohan sa Supplemental Budget No.4 dahil umaabot na umano ng higit isang buwan ang ginawang pagre-review ng Department of Budget and Management (DBM).



Sa regular session na ginanap noong Nobyembre 10, ay nananawagan si Vice Governor Perez kay Governor Dolor ukol dito kung saan naghintay ang SP ng hanggang dumilim ang kalangitan na umabot umano ng alas-diyes ng gabi, ng walang kasagutan.

Subaybayan natin!

***

Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon mag-email lang sa balyador69@gmail.com.
Ugaliing makinig sa programang “BALYADOR” at “WALANG PERSONALAN TRABAHO LANG” mula lunes hanggang linggo 11:00am-12:00noon sa RADYO NG MASA entertainment net radio. tuwing sabado at linggo 12:00nn-12:30pm sa DWBL 1242 kHz am band, tuwing martes 9:30am RADYO NATIN 105.3 FM Pinamalayan at 10:00am RADYO NATIN 102.9 FM Victoria, tuwing huwebes 9:00-10:00am sa 96.9 FM RADYO NATIN Calapan City. Mapapanood livestreaming at Youtube live!