Advertisers

Advertisers

‘Nelia’ 15 years in the making na

0 527

Advertisers

“UNIQUE siya. Hindi siya iyong typical story ng Filipino movies na napapanood natin.”

Ganito inilarawan ng baguhang direktor na si Lester Dimaranan ang kanyang kauna-unahang full length film na Nelia.

Mula sa A and Q Films Production, Inc., ang Nelia ay umiikot sa misteryo ng hospital room 009, na lahat ng pasyenteng naa-admit dito ay namamatay.



Isang nurse sa naturang ospital, si Nelia (ginagampanan ng global beauty queen at Kapuso actress na si Winwyn Marquez), ang susubok na mabunyag kung ano ang lihim sa likod ng pagkamatay ng mga pasyente ng Room 009.

Sulat ni Atty. Melanie Honey Quiño Marquez, ang screenplay ng Nelia ay “15 years in the making” na umano, ayon kay Direk Lester. “Matagal nang nasulat ito ni Atty. Honey, 15 years ago pa. Actually, naalala ko, noong nilapitan ako ng A and Q para gumawa ng pelikula, iba dapat yung gagawin namin noon, e. ‘Tapos, nag-pandemic! Naayos na namin lahat para sa production ng pelikulang iyon tapos biglang nag-lockdown. So, nilapitan ako ni Atty. Honey, pinakita sa akin yung synopsis ng Nelia, and dun na nag-start yung pagbuo namin sa pelikula.”

Kakaiba raw sa panlasa at mga nakasanayang tema ng pelikulang Pilipino ang Nelia. “Suspense thriller siya, maraming aabangan ang manonood. Maraming turn ng events na di mo akalaing gano’n pala, ganyan pala. Psychological yung movie kaya yung effect sa manonood, psychological din. Yung mga twists talaga, yung akala mong ito yung mangyayari magugulat ka na hindi pala,” saad ni Direk Lester.

Kaabang-abang din ang Nelia sa takilya dahil ito ang natatanging pelikula sa suspense thriller genre na nakapasok sa darating na 2021 Metro Manila Film Festival (MMFF).

“Malaking pasasalamat namin talaga sa MMDA (Metropolitan Manila Development Authority) na organizer ng MMFF na isa kami sa napili nilang pelikula this year. Napakalaking bagay po nito sa amin sa A and Q dahil nabibigyan ng pag-asa ang mga baguhan at indie filmmakers na tulad namin na makapasok sa mainstream. Sana ay suportahan ng ating mga kababayan ang mga pelikulang ipapalabas sa MMFF this year, lalong lalo na ang Nelia, dahil ito po ang pagbabalik natin sa mga sinehan ngayong pandemic,” wika ni Direk Lester.



Ang Nelia ay mapapanood sa December 25 sa mga piling sinehan sa buong Pilipinas. Bukod sa lead star na si Winwyn, kasama rin sa pelikula sina Raymond Bagatsing, Mon Confiado, Ali Forbes, Shido Roxas, at Juan Carlos Galano.