Advertisers

Advertisers

Cong. BF ‘di nagkamali sa pagpili ng hahalili sa kanya sa Kongreso

0 279

Advertisers

USAP-USAPAN hindi lang sa Distrito Uno mga Ka Usapang HAUZ maging sa Distrito Dos ng Siyudad ng Marikina ang ginawang pagpili ng kasalukuyang kongresman Bayani “BF” Fernando ng distrito 1 na hahalili sa kanyang puwesto dahil sa halip na ituloy ng dating MMDA Chairman ang kanyang huling termino ay mas minabuti nitong bumalik sa pagka-Mayor.

Kaya ng piliin ni Fernando ang dating vice mayor Dr. Fabian Cadiz na isama sa lineup bilang kinatawan ng Unang distrito ng Marikina ay wala ni isa ang kumontra sa halip ay bumuhos ang suporta at may mga nagsabing “Di nagkamali sa Pagpili si Cong. BF sa tinaguriang Doctor ng masa hindi lang sa Marikina.

Ang sabi nga ng Marikenio napapanahon lang na ang isang magiging kongresman ay isang doctor at alam nito kung paano mapo-protektahan ang mamamayan dahil sa dinadanas sa ngayon na pandemya dulot ng Covid-19.



Sa kasalukuyan mga Ka Usapang HAUZ kinukumpara sa ngayon ang dating vice mayor Cadiz kay Aksiyon Demokratiko Vice Presidential candidate Dr. Willy Ong na halos 27 taon ng tumutulong sa mga may sakit na hindi tumatanggap ng bayad sa halip ito ay libre kung saan ay matagal na ring ginagawa ng congressional candidate dr. Cadiz.

Halos magkaparehas ang adhikain ni Dr. Ong at Dr. Cadiz ang makatulong, kasama sa plataporma ng magiging Marikina 1st dist congressman ang pagsulong sa Health Care, Education, Anti Disaster, Livelihood, Social Services at iba pa sakaling palarin ito na maupo sa Mababang Kapulungan.

Nais ipagmalaki ni Dr. Cadiz ang kanyang nagawa tulad ng programa sa mga PWD, para sa kaalaman ng mga Ka Usapang HAUZ nagdisenyo ito ng mga sasakyang pang may kapansanan na tinawag na “PWD Friendly” na tumatak hindi lang sa Marikina kundi sa buong Pilipinas.

Ang sasakyang tumutulong sa mga pang araw- araw na gawain ng may mga kapansanan na siyang nagbigay lakas ng loob upang hindi maging hadlang ang kanilang kapansanan para sa pagunlad.

Eto pa ang matindi mga Ka Usapang HAUZ pumutok at lumaganap ang Covid-19 pandemic sa ating bansa, alam nyo ba ang naging ambag ni doc Cadiz buwan ng Abril taong 2020 ay agad itong tumulong sa kanyang pribadong kakayahan hindi nagsawang magbigay payo paalala upang makaiwas sa nakamamatay na sakit.



Dahil sa dito ipinagkaloob kay Dr. Cadiz ang isang posisyon para mamuno bilang Chairman ng D 3800 Rotary International isang malaking organisasyon na tumutulong upang labanan ang pandemya kung saan namahagi ang organisasyon ng mga kagamitan panlaban sa virus Tulad ng mga face mask, alcohol at iba pa hindi lang sa Marikina bagkus sa buong NCR.

***

Para sa inyong Puri at Puna maaaring mag email sa cesarbarquilla2014@yahoo.com or mag Txt o tumawag sa 0935-2916036