Advertisers

Advertisers

Sab Agabbao ilulunsad sa ‘Pornstar2: Pangalawang Putok’

0 378

Advertisers

MUNTIK na palang  magkaroon ng title role si Sab Agabbao  na ilulunsad sa ‘Pornstar2: Pangalawang Putok’.

Si Sab ang napisil ni direk Joel Lamangan at mega producer Joed Serrano na magbida sa ‘Anak ng Burlesk Queen’.

“Yes! Nakuha po ako pero hindi na po ako tumuloy noong pumirma na ako ng contract sa Viva. Maganda sanang simula po yun sa career. Pero thank you po ako kay direk Joel dahil ako po ang pinili niya at kay Sir Joed Serrano. Wala naman po ako regrets but I’m happy na nag-try akong mag -audition,” tsika niya.



Willing ba siyang sumayaw na nakaburles at may frontal nudity pag binigyan siya ng ganitong movie sa Viva?

“’Yung  sexy role ko na ginawa sa Viva is all out ako. Depende dun sa role na kailangangang ibigay . Wala ako hesitation para hindi gawin’yun,” sabi pa niya sa chat.

Samantla, tatlo agad ang natapos niya sa Viva. Bukod sa Pornstar2 na showing sa Dec. 3 sa Vivamax, kasama rin siya sa pelikulang ‘Crush Kong Curly.’ May threesome scene rin  siya sa pelikulang “Eva” with Angeli Khang at isang baguhang aktor. (BKC)