Advertisers

Advertisers

Kylie inamin, ini-stalk ang socmed ng ex-mister na si Ajur; Greta na-hack ang IG

0 268

Advertisers

Ni GERRY OCAMPO

ISA sa mga nakapanood ng video interview ni Kylie Padilla sa ama na si Robin Padilla ay ang kanyang mommy na si Liezl Sicangco.

“OMGee!  Natawa ako at naiyak. Good job,” comment ni Liezl na sinagot naman ni Kylie ng, “I love you mother dear.”



Marami ang nagandahan sa interview ni Kylie sa ama dahil maraming natuklasan ang mga nakapanood, may lesson para sa mga magulang  at sa single parent  tulad ni Kylie.

Nag-react  si Dennis Padilla sa heartwarming interview ni Kylie sa ama at  sinabi na very good man ang ama ni Kylie.

Nabanggit  at  inamin ni Kylie sa interview sa ama na ini-stalk pa rin niya ang Instagram ng ex na si Aljur Abrenica. Ang rason niya ay para makita ang pagba-bonding ni Aljur at dalawa nilang anak.

Hindi na raw niya masasaksihan nang personal ang bonding ng kanyang mga anak sa ama nila, kaya ini-stalk na lang niya ang social media ni Aljur.

“Kasi gusto kong makita  na, “Okey, masaya sila. Buo pa rin yung relasyon nila bilang  mag-tatay. Mahapdi sa aking puso na hindi ko na `yon makikita, mae-enjoy in that way na buo kami. Mas happy na ako ngayon, realistically. Kasi  after  ng mga  nangyari  hindi  na ako makakabalik doon, e.”



***

KUMPIRMADONG naglaho ang Instagram account  ni Gretchen Barretto na may more than 1 million followers.

Marami ang nakapansin na wala na nga ang account ng sexy/generous actress. Nagtatanong ang mismong anak niya na si Dominique dahil  bigla nga itong nawala.

“Does anyone work for @meta / @instagram who can help me with my  mum`s  Instagram  account?  It  disappeared. Pls DM me.”

Maging si Gretchen ay walang idea kung na-hack nga ba ang kanyang Instagram.

Ngayon ay may bago nang IG account si Ms Gretchen pero ito ay naka-private.

Samantalang nagpapasalamat ang officers at members ng PMPC Philippine Movie Press Club sa early Christmas love box ( noche buena package) na ipinadala ni Ms Gretchen.

Patuloy pa rin sa pamamahagi ng Xmas love box ni Gretchan, hindi lang sa mga writer, kundi maging sa mga artista.

***

NATAKOT ang  mga taga-Showtime sa nangyaring aksidente kay Ogie Alcasid. Naganap ang freak accident ng actor/singer sa production number  nila para sa anniversary ng It`s Showtime.

“Yes  po, nahulog ako. But  I`m okey. May pa-stunt kasi kami pero naputol  yung what`s  holding me so ayun, nagkasugat ako, pasa-pasa. They  were telling magpa-MRI  ako, but  there were  no  fractures naman so the show must go on and  tinuloy ko pa rin ang  performance ko,” pagkumpirma ni Ogie

“Ang mali ko kasi tumayo agad ako  eh. Alam ng mga athlete  yun  na when  you fall  bago ka tumayo, tingnan mo muna kung buo  ka.  I  immediately  stood up  kasi,” say pa niya sa naganap na aksidente nang gawin nila ang ala-Squid Game na nakatali siya sa ere  nang maputol ang cable na humahawak sa kanya  at bumagsak siya sa sahig na 12 feet ang taas.

Kasama ni Ogie na nag-participate sa show sina Dingdong Avanzado, wife na si Regine Velasquez, Christian Bautista, Jose Mari Chan, The Company, Moira, Lani Misalucha, Martin Nievera, Randy Santiago, Aicelle Santos, Gary Valenciano atbp.