Advertisers
Ni WALLY PERALTA
PARA kay Janine Gutierrez ay mahirap na matupad ang kanyang pangarap na bakasyon na makakasama niya ang inang si Lotlot de Leon at amang si Monching Gutierrez, kasama ang kanyang mga kapatid.
Sa isang anak na gaya ni Janine, pangarap na niyang mabuo muli ang kanyang pamilya kahit sa isang bakasyon lang lalo pa nga’t may kanya-kanya nang buhay ang kanyang mga magulang, kasal na sa iba si Lotlot sa Lebanese husband nitong si Fadi El Soury.
Kaya nga nang natupad ang family vacation na pinangarap niya lang noon ay buong pagmamalaking ipinost agad ni Janine sa sariling socmed ang masasayang larawan kasama ang ama at ina maging ang mga kapatid.
“First time to be on vacation with both my parents! Swipe to see my happy video of them in the same place haha. Anyway mama and papa I love you, thank you! @mr._fady,” say ni Janine sa kanyang caption sa family picture nila.
Si mr_fady na tinutukoy ni Janine ay ang mister ni Lotlot.
Sa huli ay binigyan din ng lakas loob ang mga supporters niyang may katulad niyang broken family na ‘wag mawawalan ng pag-asa na minsan ay mabubuo rin ang kanilang pamilya kahit isang araw man lang.
“And if anyone is going through something like that right now, I know it’s different for everyone but I hope you know it’s not gonna be bad forever. It’ll take a while but it gets better and if you’re the parents and you’re worried about your kids, they’ll understand one day. And they only want you to be happy,” dagdag pang say ni Janine.
Sa ngayon ay abala pa rin si Janine sa season 2 ng “Marry Me, Marry You” kasama si Paulo Avelino.
***
ISA sa mga young actor natin sa ngayon ang bihirang ma-link sa isang girl ay si Miguel Tanfelix.
After kasing paghiwalayin sila ng dating kalabtim and once din naman na na-link kay Miguel na si Bianca Umali, wala nang nabalitaan na pinopormahan na girl si Miguel.
Minsan ay na-link siya kay Kyline Alcantara pero fake news lang pala. Tsikang muling nabuhay umano ang daloy ng dugo ni Miguel nang makasama sa isang serye ang magandang young actress na si Ysabel Ortega.
Hindi rin naman ito nakaila sa mga kasamahan nila sa “Voltes 5: The Legacy” na sina Matt Lozano at Radson Flores. Sa isang programa ay natanong nng diretsahan si Miguel kung ano ang katangian ng isang babae ang pinakaayaw niya at kahit feel niyang diskartehan pero may ganung ugali ay di nalang niya itutuloy itong pormahan?
“Maarte!”, maikli at diretsahang sagot ni Miguel.
At dahil nali-link siya ngayon sa kasamahan niya sa V5 na si Ysabel, para kay Miguel, trotropahin o jojowain ba niya ang isang girl tulad ni Ysabel.
“Jowa type of person si Ysabel. Maayos dalhin ang sarili niya, professional sa work and may pangarap,” dagdag pang say ni Miguel.