Advertisers
PERSONAL na bumiyahe si Senator Christopher “Bong” Go sa General Santos City upang makipaghalubilo at makinig sa hinaing ng mga solo parents na patuloy na nahihirapan, maging ang kanilang mga anak, sa epekto ng COVID-19 pandemic.
“Isa ito sa aking advocacy ang tulungan ang mga solo parents na grabe magmahal at magsakripiyo. Hindi basta-basta magpalaki ng anak na walang asawa pero masarap sa pakiramdam na kasama ang ating mga anak at ito ang ang nagpapalakas sa loob niyo, ‘di ba?” sinabi ni Go sa nasabing aktibidad.
“Ang importante lumaki ang mga anak natin na masaya at nakapagtapos ng pag-aaral. Kaya naman ako, full support ako sa mga solo parents. Kung may maitutulong ako, sabihan niyo lang ako at gagawin ko ang lahat upang tulungan kayo,” paniniyak niya.
Kasabay ng okasyon ay namahagi ang mga staff ng senador ng mga makakain, bitamina at masks sa may 1,392 solo parents sa Oval Plaza Gym.
May mga piling solo parents na binigyan din ng sapatos, bisikleta at computer tablets para sa mga anak nilang mag-aaral.
Namahagi naman ang grupo o mga tauhan ng Department of Social Welfare and Development ng financial assistance sa ilalim ng programa nitong individuals in crisis situations sa mga residente.
Ang mga kinatawan naman ng Department of Agriculture ay nag-set up ng community pantry at nagbigay ng truck sa isang local cooperative at bagong bangkang de motor na may fish cages sa city government.
Nagsagawa rin sila ng assessments para sa mga potensyal na benepisyaryo ng livelihood training at assistance programs.
Isang kahalintulad na aktibidad naman ang magkakasunod na isinagawa sa 300 fire victims at 289 displaced workers sa Barangay Calumpang at Pacific Southbay College gyms, sa pakikipagtulungan ng National Housing Authority at Department of Labor and Employment.
“Kung ano ang mga sinimulan ni Presidente (Rodrigo) Duterte, ipagpapatuloy at dadagdagan ko ito. Sisiguraduhin natin na malalampasan natin itong pandemyang ito at mabibigyan natin ng trabaho para hindi magutom ang Pilipino,” ayon kay Go.
“Kaya plano ko na bigyan ng ayuda o trabaho ang 10 million poorest Filipinos. Iyon ang uunahin ko kasama ang free education. Dapat may isang college graduate per family para makatulong sila sa kanilang mga pamilya. Basta kung ano ang magagandang programa ni Presidente Duterte, ‘yun ang ipagpapatuloy at dadagdagan ko,” pangako ng senador.