Advertisers

Advertisers

Isko at Doc Willie, negatibo sa drug test sa PDEA

0 210

Advertisers

PAREHONG negatibo ang resulta ng drug test nina Manila Mayor at Aksyon Demokratiko presidential hopeful Isko Moreno at running mate Doc Willie Ong, matapos na sumailalim na rin sa drug testing sa tanggapan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) nitong Huwebes ng umaga.

Nabatid na ang dalawa ay nagtungo sa PDEA Headquarters sa Quezon City dakong alas-9:00 ng umaga upang sumalang sa drug testing.

Kaagad rin namang nailabas ang resulta nito at lumitaw na kapwa negatibo sila sa paggamit ng ilegal na droga.



Ginawa nina Moreno at Ong ang pagpapa-drug test, kasunod ng panawagan ng ilang grupo na sumailalim sa pagsusuri ang lahat ng kandidato sa 2022 National election.

Nauna nang nagpa-blind item si Pangulong Rodrigo Duterte na may isang presidentiable ang lulong sa cocaine.

Una na ring sumailalim sa drug testing ang magkaka-tandem na sina Senator Panfilo Lacson at Senate Presidente Vicente Sotto III, at dating Sen. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, na pawang nagnegatibo rin sa paggamit ng ilegal na droga. (ANDI GARCIA)